Kabanata 17

3.6K 204 43
                                    

NAKATAYO si Selry sa loob ng isang silid. Inilibot niya ang paningin. Hindi siya pamilyar sa lugar pero, sigurado siyang babae ang may-ari niyon.

Sa canopy bed na kaharap niya ay may baro't-saya na nakapatong. It was in fine material of piña fiber. Same goes with the pañuelo next to the clothes laid on the bed.

"Corazon, pag-isipan mo sana ang iyong balak. Ito ay malaking gulo kung iyong ipagpapatuloy." Ang narinig niyang wika na nanggaling sa likod niya. She turned to look. The voice was so familiar that she knew who it was.

Si Cecilia.

A woman in a simple white baro and brown checkered saya came to the picture. Nakatagilid ito sa kanya. Kaharap nito ang babaeng mas magarbo ang kasuotan. She was wearing a baro with intricate design of flowers, a pañuelo na may kalakihan covering her chest and a wide skirt in black and white wide strips sewn together. Nakaladlad ang mahaba na medyo mamula-mulang kulay ng buhok nito. Pity that she could not see her face. Naiinis na blurred ang mukha nito. A thing on her neck caught her eyes.

A black ribbon choker with a red crystal pendant. The same one she saw nang ipakilala si Corazon on her dream before.

Natuwa sa nakita niyang palatandaan. Sa wakas! Panaginip na may kaugnayan kay Corazon, gusto niyang magsaya. Pero bakit sila nasa eksenang ito? Importante ba ito?

"Ang aking desisyon ay buo na, Cecilia. Kami ni Antonio ay nagmamahalan. Hindi ko kayang malayo sa kanya. Alam mo ang pagtitiis na naranasan ko sa kumbento. Ang nakaw na sandali namin ni Antonio sa nakalipas na mga taon. Saksi ka sa pangako niya ng wagas na pag-ibig sa simbahan ng Immaculada Concepcion. Hindi na dapat kaming mawalay pa lalo na sa aking kalagayan."

Nakita niyang hinaplos ni Corazon ang bahagi ng tiyan nito. Kasabay niyon ay ang pagsinghap mula kay Cecilia.

"Corazon! Sabihin mong ang aking naisip ay hindi totoo!" Bulalas ni Cecilia na nakita pa niyang napa-sign of the cross. "I-ilang buwan na?" Ang tila nahihiyang tanong nito pagkaraan.

"Isang buwan, Cecilia. Noong gabi bago ang takda kong pag-uwi dito sa Santa Cruz." May himig ng saya na sagot ni Corazon.

Shet! You mean to say, uso na rin ang pre-marital sex? Shet, I kennat this revelation! Ang hiyaw ni Selry sa sariling isipan. Napahawak siya sa sariling ulo dahil sa pagkawindang.

"Alam na ba ito ni Antonio? Hindi mo ba naiisip na malalagay sa panganib ang pamilya niya pag nalaman ito? Maraming koneksyon ang iyong ama."

"Alam na niya, kaya nga siya paparito para ako ay sunduin. Kinakailangan ko ang iyong tulong upang maisagawa ang aming pagtatanan." Ang sagot ni Corazon kay Cecilia. Napaatras siya nang maglakad ito patungo sa direksyon niya. Nakaramdam siya ng kilabot nang huminto ito sa harap niya mismo.

"Tulungan mo kami." Anito na hinawakan ang pendant ng choker nito. "Esta vez." Ang pabulong na wika nito na ikinatayo ng mga balahibo niya.

WALA sa sariling nakatingin sa tanawing dinaraanan nila si Selry. Kasalukuyang nakasakay siya sa kalesa. Patungo siya ngayon sa tahanan ng mga Cruz. Kasama niya si Estrella na naipagpasalamat niyang sumama sa kanya. Kinagabihan pa ang handaan para sa selebrasyon nang kaarawan ni Beatriz.

Ginugulo ang isipan niya ng mga huling winika ni Corazon sa panaginip niya. Hanggang ngayon ay kinikilabutan pa rin siya sa panaginip na iyon. Lalo na kay Corazon, na para bang siya ang kinausap nito. Ipinagtataka rin niya ang huling winika nito bago siya magising.

Esta Vez (This Time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon