Special Chapter

4.8K 142 114
                                    

KINAHAPUNAN ng New Year's Day ay nag-aya na mamasyal si Andrea. Tanging ang mga nakababatang mga pinsan nila na sina Sabina, Krissa, ang dalawang kapatid na lalaki ni Sabina na sina Daniel at Franz, si Ebony na anak ng Tito Benjie nila, kapatid ni Andrea na si Analise at ang kapatid niyang si Selene ang sumama. Ang iba ay nanatili na lamang sa Quinto compound para lasapin ang unang araw ng Enero upang makapagpahinga. Ang mga magkakapatid na Quinto at kani-kanyang mga asawa ay may extention ng party mula sa nagdaang gabi.

Last year ay naipasyal na ni Andrea ang mga pinsan, maliban sa kanilang tatlo ni Selene at Ebony na ngayon lang nakasama.

Saglit na natigilan si Selry nang lumiko na sila sa kalye ng mga bahay na bato na itinayo pa noong panahon ng Espanyol. Pakiramdam kasi niya ay nakapunta na siya roon pero, iyon ang unang pagkakataon na nakatapak siya roon. She could not help but looked around her, vaguely remembering where did she saw the street.

Pero, wala siyang maalala.

Napailing na lamang siya at humabol sa paglalakad ng mga pinsan niya. Most of the houses had business signages: arts and crafts, souvenirs, food, antique items, pottery are among others.

Iyon lang ay nakasarado ang mga shops.

Habang tumatagal sila sa paglalakad ay napansin niya ang pagkawala ng mga signages sa mga Spanish houses. All she could see are unkept or abandoned houses na mukhang matagal na rin na hindi inukupa. Huminto sila sa harap ng bahay na mukhang under restoration dahil sa mga tabla, capiz windows at ilang mga sako na hindi niya sigurado kung ano ang mga laman.

"Matagal ko nang gustong sumilip uli sa bahay na ito pero masyadong busy ang may-ari at hindi mapahiram sa akin ang susi." Ang winika ni Andrea na ikinalingon niya dito. She then saw her cousin fished something out of her pants' pocket. It was an old rustic colored keys with a simple design of a small loop joined with a straight metal with two square shape metal on the each edge. Those looked the same but had distinct patterns and shapes, perhaps for each doors of the whole house.

"Buti at pinayagan ka niya? Is it really okay na pumunta tayo dito?" Selry asked with doubt laced through her voice.

"Okay lang daw cousin," sagot sa kanya ni Andrea na isinuksok na ang susi sa keyhole ng wooden door with simple metal framing, "sa katunayan ay papunta na rin iyon dito. Masyadong busy sa work niya. Ngayon lang daw nagkaroon ng day-off pero naka-on call naman. Don't worry, kaibigan at ka-close ng pamilya natin ang pamilya nila. Their ancestor was our Lola Cecilia's husband."

"Are they our distant relative then?" Ang curious na tanong ni Ebony.

"Nope, the marriage was not fruitful, Ebony. Our Lola Cecilia died young." Ang paliwanag ni Andrea na sinundan nito ng pagtulak sa wooden door. Natahimik na lang silang lahat na naroon.

"That's sad." Ang nawika ni Krissa na sinang-ayunan naman ni Sabina at Ebony.

"Tara na." Yakag ni Andrea pagkaraan na nagpatiuna na sa pagpasok. Nagsisunuran na lang din sila dito.

Sa loob ay sinalubong sila ng ilang mga kalat. Those were mostly tiles with an oriental design theme, some are laid on the floor. She had not seen any furniture as they proceeded to the stairs going to the second floor. They then met another door on the stairs landing. Agad ding nabuksan ni Andrea doon na dahilan upang makapasok sila sa loob ng maluwang na silid. Iba't-ibang kulay ng mga tela na nakatakip sa mga kagamitan na naroon ang tumambad sa kanila.

Esta Vez (This Time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon