Kabanata 25

3.6K 210 65
                                    

NAPAHIGPIT ang hawak ni Selry sa sandalan ng upuan. She just stared at Carlos habang paulit-ulit na umalingawngaw sa isipan niya ang sinabi nito. Kasalukuyan silang nasa sala ng mga Ynarez where she had waited for Carlos and Rafael.

Only Carlos came.

"Hindi ba maaaring tayo na lamang ang tumungo sa mga dela Torre?" Ang dismayadong tanong ni Selry sa ibinalita ni Carlos.

The latter went to Rafael's residence last night, for whatever reason na hindi na niya inalam. May sudden engagement si Rafael na dahilan para magtungo ito kung saang impyerno para sa araw na takdang pagtungo sa mga dela Torre.

Selry felt frustrated. She hated it the most when someone broke their promise. Her own father was the very example of that.

"May iba pang pagkakataon, mahal ko. Humihingi ng dispensa ang aking kaibigan. Hindi natin siya masisisi pagkat katuwang na rin siya ng ama sa mga negosyo ng kanilang pamilya, tulad ko."

Kaunting panahon na lang ang pananatili ko dito Carlos. "Ang pangako ay pangako." Ang matigas na wika niya. She only have few more days left. Kung totoo ang sinabi ng kanyang Lola.

Inis! Kung kailan magkikita na kami ni Corazon! Badtrip!

Naramdaman niyang ginagap nito ang palad niya. Ang init at lambot ng labi nito ay masuyong lumapat sa likod ng palad niya. Napawi ng mumunting kuryenteng dumaloy sa sistema niya ang nararamdamang inis. Napalitan iyon ng pag-iinit ng kanyang pisngi.

Carlos, hahanap-hanapin ko ang bagay na ito sa future. Pakiramdam ko ay wala ng katulad mo sa panahon ko.

"Mukhang naghilom na ang mumunting sugat sa palad mo. Ito ba ay masakit pa rin?" Anito sa kanya nang ilayo nito ang labi at ininspeksyon ang kanyang palad na hawak nito.

"Hindi na masakit, salamat sa iyong pag-aasikaso." Aniya na nakatingin sa palad niyang hawak nito. She felt cheesy but, what the heck!

"Nais mo bang lumabas tayo at magtungo sa burol?" Ang narinig niyang wika nito na ikinatingin niya sa mukha nito. He was smiling at her, a boyish kind na tipong may nakakalokong bagay itong naiisip. Bagay na ikinaangat ng kilay niya. She could not help but smile.

May ganitong side si Carlos?

"Tayo lang?" Is this a date? Shet, bakit ang landi ng tono ko? Gahd, Selry!

"Inimbitahan ko si Lucia nang makasalubong ko siya at ang kanyang kasama sa Poblacion kanina." Anito na ikinawala ng kung anong saya sa kanya. She heard Carlos chuckled. "Kung nais mong tayo lamang ay maaari tayong tumungo kina Lucia at ipaalam na nais ng mahal ko," tumikhim ito bago muling nagsalita, "na kami lamang."

Her heart pounded fast as embarrassment filled her. Carlos was sweet and caring. Alam niyang magiging mabuting asawa ito kay Cecilia someday. Nakikinita niyang magiging masaya si Cecilia at hindi niya maitatangging tama ang nagawa, atleast least in her opinion. However heartaching that was for her. This another light side of Carlos just made her even more jealous. Hopefully, ma-appreciate at masuklian ang lahat ng ito ni Cecilia.

"Cecilia?"

"A-ayos lang sa akin na kasama si Lucia. Isama na rin natin ang kanyang kasa-kasama na si Josefa. Ang aking Kuya Francisco at maging si Estrella. Mas marami ay mas masaya." Ang hindi na makatingin na saad niya dito. Carlos was teasing her and she was not used to him like that.

Carlos' laughter filled the place, much to Selry's surprise and embarrasment.

MAKULIMLIM ang langit at katamtaman ang lakas ng hangin. Kasalukuyang naglalakad ang grupo sa shortcut mula sa bahay ng mga de Tagle patungo sa burol.

Esta Vez (This Time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon