Kabanata 18

3.5K 182 11
                                    

NAKAMASID sa labas nang bintana si Selry. Nasa sala sila ngayon kasama ang mga pinsang babae ng mga Limchauco. Kakatapos lamang ng hapunan na inihanda ng mag-asawang Beatriz at Juancho. Inianunsyo na rin ng mag-asawa ang pagbubuntis ng nauna na siyang ikinagalak ng mga naroong bisita.

Napansin niya na maaliwalas na ang aura ni Carlos. Like he was really happy, perhaps for Beatriz' pregnancy. Napansin rin niya ang pagiging attentive nito sa kanya lalo na kaninang nasa hapag sila. Magkaharap sila nito at katabi naman niya sa magkabilang side si Juliana at Esperanza. Still, that did not stop him in serving her all the viand placed in front of them.

Naging tampulan tuloy sila ng tukso ng mga kasama.

Nakagat niya ang ibabang labi para mapigil ang pagsilay ng ngiti.

Itinuon na lang niyang muli ang pansin sa labas ng bintana. Katabi niya si Juliana na paminsan-minsan ay nakikisabat sa usapan ng mga magpipinsan. She, on the other hand, ay pinabayaan na lamang ng mga itong manahimik.

Ang isipan niya ay natungo sa gumugulo sa kanya. Iyon ang mga pangamba, takot, ang rason bakit siya narito at ang mundo kung saan siya nararapat. Higit sa lahat ng mga iyon, ang damdamin niya.

She sighed.

Hindi dapat na mahiling niyang sana ay siya na lang si Cecilia. Paano na lamang kung mangyari iyon? Habang-buhay na siyang mananatili sa nakaraan. Kung usaping puso ay ikagagalak niya marahil iyon pero mas matimbang pa rin ang realidad.

Her eyes searched for Carlos. Nakita niya itong seryosong nakikipag-usap sa isang binata na malayo sa grupo ng kalalakihan.

If I stay, I might be happy but would Carlos be? Pero, matututunan naman siguro naming mahalin ang isa't-isa in time.

Napailing siya. Isang bahagi ng isipan niya ang tutol. She was a part of the future, she would always be. Kahit pa nasa katauhan siya ni Cecilia. Hindi niya maitatanggi ang katotohanan na kahit mahalin siya ni Carlos ay naroon pa rin si Cecilia.

Si Cecilia at hindi siya bilang Selry ang mamahalin nito. Nakaramdam siya ng munting kirot sa dibdib dahil sa naisip.

That's the sad truth.

Narito siya dahil kay Cecilia at sa nais nitong mangyari. Paano na lang kung hulog na hulog na siya kay Carlos ay siya namang biglang balik niya sa 2017?

Hashtag nganga ako sa 2017.

Isa pa si Cecilia na hindi na dumadalaw sa panaginip niya. Ano na ba ang nangyayari? Dinaig pa niya ang bulag na hindi alam ang patutunguhan.

Mukha pang nagkanda-loko-loko na ang dapat na takbo ng pagsasaayos niya sa buhay nito. Paano kung sa mga nagawa niya ay may malaking epekto sa hinaharap?

She felt so lost. Wala man lang makapitan o mapagtanungan sa mga natuklasan niya. At sa panaginip na pagpapakita ni Corazon ngunit malabo naman ang mukha. Nanindig ang balahibo niya sa naisip.

"Cecilia, ika'y ayos lang ba?" Ang narinig niyang nag-aalalang tanong ni Juliana sa kanya. Naramdaman niya ang hanging humahaplos sa mukha niya. Her eyes turned to Juliana. Pinapaypayan siya nito. "Ikaw ay namumutla."

"Oo, ako'y ayos lang." Aniya na nginitian ito. "Kailangan ko yatang magpahangin."

"Gusto mong samahan kita sa azotea? Ako'y hindi na makasunod sa usapan nila Esperanza at ng aming mga pinsan." Anito na tiniklop ang abaniko nito sa isang kumpas.

Esta Vez (This Time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon