Kabanata 8

4.4K 189 47
                                    

"MAGANDANG umaga ho, Ginoong de Tagle!" Ang may himig giliw na bati na narinig mula kay Estrella nang makalapit na sila. Pasimpleng sinulyapan niya si Carlos bago itinuon ang pansin kay Francisco.

Nanunukso ang ngiti nito at maging ang mga mata. Poker-faced na sinalubong lang niya ito ng tingin. Ikinalawak lang iyon ng ngiti ng huli.

Sige Francisco, ganyan ka lang! Kung ikaw lang si Sebastian, baka kanina pa kita sinakal.

"Magandang umaga din sa'yo, Estrella," ang narinig naman niyang ganting bati ni Carlos, "at sa'yo rin Binibining Ynarez." Ang may pag-aalangan na dagdag nito. Napatingin siya kay Carlos at akmang sasagot sa bati nito pero...

Isang malakas na halakhak ang umalingawngaw sa awkwardness nila.

It was Francisco. Tinaasan niya ito ng kilay. Konting-konti na lang at ihahambalos na niya ang parasol na hawak dito.

"Ano'ng kapormalan ito, Carlos?" Wika nito na tumapik-tapik pa sa balikat ng katabi nang makahuma. Naroon na naman ang pamumula ng pisngi ng nabanggit.

Why the F do I find him cute! Urgh, Cecilia! Sino ba siya sa buhay mo?

"Pagkat iyon ang nararapat." Ang sagot ni Carlos na bahagya pang tumingin sa kanya bago uli umiwas ng tingin. Halata nga na hindi ito kumportableng tignan siya.

Dahil ba sa pagtitig na ginawa ko? Nakakaasiwa ba? Napaiwas na rin siya ng tingin at itinuon na lamang sa malawak na damuhan ang paningin na nasa gilid ng maalikabok na daan.

"Bakit si Estrella?"

"Dahil parang nakababatang kapatid si Estrella." Ang mabilis na sagot ni Carlos.

'Kay, pa-tweetums nga minsan ang bruhang si Estrella. Pero keri lang, okay naman siyang kasama.

"At ang aming Cecilia ay hindi?" That question caught her at dahilan para ituon ang paningin kay Carlos. Tahimik lang ito at nakaiwas ng tingin. Si Francisco, on the other hand, ay mukhang nag-e-enjoy sa pang-ti-trip sa kaibigan.

"Bakit hindi ka makasagot?" Ang tudyo pa ni Francisco na manhid ata sa atmosphere ng awkwardness.

Sira ulo din talaga ang isang 'to.

"Tigilan mo na ang kaibigan mo, Kuya." May diing turan niya sa paggalang na ginamit kay Francisco. "Tara na at nang makarating na tayo, medyo mataas na ang araw." Aniya na hinila na si Estrella palakad. Ngunit napahinto rin siya ilang hakbang nang makalampas sa dalawang lalaki. Naalala niyang hindi pa niya nasagot ang greeting kay Cecilia ni Carlos. It was too rude to even let it pass. Kung sa kasalukuyan niyang panahon ito, dededmahin niya na lang iyon. But, she was in 1895 and she was currently in Cecilia Ynarez' body.

Enebe this!

She sighed bago nilingon ang kinatatayuan ni Carlos at Francisco. Nakatingin na ang mga ito sa kanila. Itinuon niya ang pansin kay Carlos na inaayos ang sumbrero sa ulo nito.

"Ginoong Carlos," pagtawag niya sa pansin nito. Nagtama ang kanilang mga mata. Akmang iiwas na ito nang magsalita siya, "Huli man pero, magandang araw rin sa'yo." Nakita niya ang pagsilay ng pigil na ngiti sa labi nito bago pa man matakpan ng parasol ang mukha nito sa kanyang paningin nang patalikod na siya.

Esta Vez (This Time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon