Kabanata 3

7.2K 242 34
                                    

HUNI ng mga ibon at preskong dampi ng hangin sa mukha ang sumalubong sa kanya nang magkamalay. Her eyes focused above her. Mga sanga ng puno at mayabong na mga dahon ng mangga ang kanyang nakita.

Napabalikwas siya ng bangon nang mapagtanto kung saan niya nakita iyon. Bumungad sa kanya ang malawak na palayan. Sa may di kalayuan ay tanaw niya ang ilog.

She was in this dream again.

Pero parang may kakaiba.

The place looked brighter and lighter. Na para bang may enerhiya roon na pumipigil sa kung anong mabibigat na presensya. Like it was protected from pain, suffering and regrets.

Pero bakit ba napadpad uli siya dito?

Noon lang niya naalala ang huling nangyari sa kanya bago nagdilim ang paligid.

The woman in white.

Nagtaasan ang mga balahibo niya nang maalala ang malamig na haplos nito sa kanyang pisngi.

Did the woman in white took her here? Pero ang mga pinsan niya? Si Krissa na nakakita rito, bakit hindi rin niya kinuha? Bakit siya lang? Iyon ang mga tanong na bumabagabag kay Selry nang may narinig siyang nagsalita.

"Mabuti at gising ka na." Pukaw ng isang tinig na boses babae. Napakapamilyar niyon, pero hindi niya matandaan kung saan niya narinig ang boses na iyon. Her eyes darted to where the voice came.

Bumungad sa kanya ang babaeng naka-baro't saya. May hawak itong pumpon ng puting gumamela. Napaawang ang labi niya nang masilayan ang mukha nito.

Hindi siya makapaniwala sa nakita. Kinusot pa niya ang mga mata baka sakaling mali ang nakita niya. Nakarinig siya ng mahinang tawa mula rito. Naramdaman na lamang niyang may humila sa kanyang mga kamay.

"Totoo ang nakikita mo." Wika nito na ngayon ay nakatitig na sa mga mata niya. Malaki ang pagkakahawig nila. Mukha nga silang pinagbiyak na bunga.

"Paano nan"

"Ikaw ay ako, ako ay ikaw. Kabahagi na ng isa't-isa kahit higit daang taon na ang lumipas." Patalinhaga nitong pahayag sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang saad niya na sinagot lang nito ng ngiti.

"Maiintindihan mo rin ang lahat, Selry."

"Paano mo nalaman ang pangalan ko? Ano ang maiintindihan ko rin?"

Ngiti lamang ang isinagot nito sa kanya.

"Bakit ako nandito? Ano ang ginawa sa akin ng babaeng nakaputi? Ang mga pinsan ko? Nasaan sila?" Ang sunud-sunod na tanong niya rito.

This is so sick! Aniya sa loob-loob na napasabunot na lang sa buhok niya. Ito ba ang kahulugan ng mga weird na panaginip niya? Hindi na niya alam kung nasaan siya, though she dreamt of this place before. But, does this place even exist? Or was she...

"Isinama na ba ako ng lady in white sa ibang mundo? A-am I de-dead?" Wika niya na hindi matanggap ang huling sinabi. Mas na-frustrate siya dahil walang sagot siyang narinig sa kasama.

If I am dead, wala na kong pag-asa pang ayusin ang buhay ko!

Napa-face palm na lamang siya habang binabalikan ang mga sinayang niyang panahon. Ang mga oras na sana nagpaka-wild na lang siya. Ni hindi niya pa naranasang mahalikan man lang. Nagpakagaga siya sa iisang lalaki. And it was all too late to regret.

Esta Vez (This Time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon