Kabanata 9

4.4K 178 79
                                    

MASAYANG mukha ni Cecilia ang nakatunghay sa kanya nang magmulat ng mga mata.

"Cecilia!" Ang naibulalas niya na napayakap pa rito. Naligayahan at sa wakas ay nagpakita na uli ito sa kanya.

"Ako ba ay na-miss mo?" Ang nanunuksong wika nito sa kanya. Sinuklian rin siya nito ng yakap.

"Ilang araw ka ba namang hindi dumalaw sa panaginip ko, malamang. Kainis 'to. Buti naka-survive ako ha!"

"Alam ko namang kaya mo." Ang tugon nito na tinulungan na siyang makaupo nang maayos.

"Nga pala, Cecilia." Aniya nang may maalala, "Nagka-one-sided love ka ba kay Carlos?" Ang walang ligoy niyang tanong bago pa man mawaglit iyon sa isipan. Sukat doon ay nawala ang masayang aura ni Cecilia. Umiwas ito ng tingin sa kanya at napabuntong-hininga.

"So one side—"

"Kung sana ay ganoon na lang ang naging kaso noon," Cecilia said cutting her words, "pero hindi, Selry. Wala akong pagmamahal para kay Carlos at nahuli na rin ang lahat."

"What!" Hindi makapaniwalang bulalas niya. Bahagya itong natawa sa reaksyon niya. "Eh bakit iba ang pakiramdam ko kay Car-"

"Dahil ikaw ay ako sa pagkakataong ito." Agap nito sa sasabihin niya. "Hindi ba at nasabi kong nasimulan mo nang baguhin ang tadhana ko?"

"Paano ko ba nabago? Paki-explain naman, Cecilia. We're in this together naman e. Saka hindi ba 'to makaka-apekto sa future? Itong mga pagbabago?"

"Dahil dito," itinuro ni Cecilia ang tapat ng puso niya. "Binago niyan ang takbo ng tadhana ko."

She gave Cecilia a quizzical look. "Iyan ka na naman sa talinhaga words mo, Cecilia." Maktol niya.

"May mga ibang pangyayari sa hinaharap ang mababago. May mga katanungang magkakaroon ng mga kasagutan. May mga misteryong mabibigyan ng linaw." wika nito bago siya binalingan. "At ilan sa mga iyon ay nabigyan mo na ng daan sa hinaharap para malaman, Selry."

"You mean, may dapat malaman na naitago ng matagal? At saka wala bang nabawas sa family members ko? Safe ba silang lahat at tanging mga bagay lang ang medyo umayos, gano'n?"

Tumango ito bilang sagot. Bagay na ikinahinga niya ng maluwag. Pero, saglit lang dahil may sumagi uli sa isip niya.

"E paano iyong outside sa family ko?"

"Sa ngayon ay huwag mo na munang alalahanin ang mga iyon. Mahalaga ay ligtas silang lahat at hindi maaapektuhan."

"Paano ka nakakasiguro?"

Nakita niya ang pagsilay ng ngiti sa mga labi ni Cecilia. "Ako ay ikaw."

"Ay nako!"

"Nakikita ko ang hinaharap. Ito ang kabaligtaran ng kakayahan mong makita ang nakaraan." Ang revelation nito na ikina-sorpresa niya. "Nakita na kita noon pa man Selry."

"This is too much! You mean may third eye ka rin? At nakita mo ako? Bakit?"

"Parang ganoon na nga. Pero, hindi ko rin ginamit sa pagkatakot ko. Kung noon pa man ay kumilos na ako. Sana noon pa man, ako na mismo ang umayos sa gulong ito ng tadhana ko." Ang may himig lungkot at pagsisising wika nito. "Pero iyon ang itinakda sa nakaraang buhay ko."

Esta Vez (This Time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon