Simula

1.7K 58 14
                                    

Being a college student is never easy. Mas busy, mas maraming kailangan ipasa at higit sa lahat mas maraming kailangan patunayan.

Sa sobrang busy ko as a college student ay halos wala na akong time para makasama ang mga kaibigan ko pero we make sure naman na kapag free kami ay lumalabas pa rin kami.

Right now, I'm a third year college student taking up fashion designing. Mabuti na nga lang at gusto ko ang course na kinuha ko kaya hindi ako madaling mapagod.

It was before I graduated in Senior High School that I discovered my interest in designing clothes. Medyo nahilig kasi kami nila Steph at Shane na mag-dress up kaya habang tumatagal ay nagustuhan ko. Nung una ay katuwaan lang yung pagdedesign ko at minsan ay binabaklas ko yung mga luma kong damit just to create another one, then Kuya said na what if I make that passion my profession someday. Kaya naman yun.

I'm currently studying at Rinlee University of Art.

Madalas ko pa rin namang nakikita sila Shane at Steph since dito rin sila nag-aaral. Stephanie's taking up Filmmaking while Shane's taking up Performing Arts.

"That's all class" nagsimula na kaming magligpit ng mga gamit namin ng sinabi yan ng Professor namin pero natigil kami ng bigla siyang bumalik

"And oh- for your first semester's finals, you need to design one formal attire. You can decide if it's a tux or a gown but you need to pass to us the final output,ok?" tumango kami sa sinabi ni Sir at um-oo nalang pero pagkalabas niya ay sabay-sabay kaming nagsiungol.

"What the heck? They expect us to make that just in 3 weeks?" sigaw ng isang kong kaklase na tinapon pa yung lapis niya dahil sa sobrang inis.

Well, hindi ko naman siya masisisi. Okay lang naman sana kung yun lang ang gagawin namin but meron pa kaming mga design na ipapass dapat before midterms, lima yun lahat at kapag hindi kami nakapagpass ay siguradong babagsak kami kahit pa maganda ang result ng midterms namin.

Mabuti nalang ang mga prof namin ay hindi mahilig magpatest for midterms, mas gusto nila yung nagbibigay kami ng output namin and we will be graded by that.

Paglabas ko ng classroom namin ay naabutan ko kaagad sa labas ang mga baliw kong kaibigan.

"Hi Clairey!"

"Claire!"

Lumapit agad sa akin sila Steph at Shane, akmang kakapit pa sila sa braso ko kaso di nila nagawa dahil sa mga dala ko.

"Ano nanamang nangyari at nakasimangot ka nanaman?" ginulo ni Lake ang buhok ko kaya iniwas ko kaagad ang ulo ko at tinignan siya ng masama pero as usual ay tumawa nanaman siya.

"Shut up!Kung tulungan niyo nalang kaya ako kaysa nang-aasar kayo 'no?"

"'To naman ang bilis mapikon! Eros tulungan mo ko dito!" kinuha niya sa akin lahat ng bitbit ko at binigay ko naman lahat yun. Ang bigat bigat kasi.

"Eros tulong nga!" nilingon niya si Eros sa tabi niya pero sinenyas lang nito yung mga dala rin nitong gamit ni Shane. Tinignan ko si Shane na dinilaan lang si Lake. Wala tuloy choice si Lake kung hindi dalhin lahat ng gamit ko mag-isa. Gusto ko sanang maawa sa kanya at bawiin yun kaso wag nalang, mabibigatan lang ako.

Si Eros at Lake ay parehas na kaklase ni Shane sa performing arts. Hindi ko rin alam kung anong nangyari, we just found ourselves hanging out with them.

I think we've been friends for 3 years na rin. Sila yung kasama namin lagi dito sa campus at dahil wala akong masyadong close sa course ko ay sila lang yung lagi kong kasama.

"Hang out tayo!" yaya ni Lake habang naglalakad kami papunta sa cafeteria. Umayaw agad ako kasi marami pa talaga akong gagawin, porket kasi siya wala lang ibang pagkakaabalahan kung hindi sumayaw ng sumayaw at kumanta, ang lakas ng loob mangyaya.

Labyrinth of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon