Chapter 9

745 52 13
                                    

"Where are you going?" nilingon ko yung umakbay sa akin which is si Lake, nasa gilid niya ay sila Steph, Shane at Eros na nakangiti sa akin

"Ayaw ako papasukin kaya aalis na sana ako"

"Of course hindi ka talaga papapasukin, practice kaya namin. They like to keep the element of surprise" madramang sabi ni Shane at tumalon talon pa siya na parng bata pagkatapos

"Bakit si Steph pwede?" Kasama kasi nila si Stephanie at hindi ko naman siya nakita kaya for sure nasa loob siya

"Actually, kanina pa kami sa labas. Nagtatago lang kami sayo hihihi sabi kasi ni Lake gusto niya makita yung pikong mukha mo kapag hinarangan ka ng guard" tumatawang sagot ni Shane at nakipag-apir pa siya kay Lake na tuwang tuwa din sa sinabi niya

"Masaya na kayo niyan?" Tumigil sila sa pagtawa nang marinig nilang seryoso kong sinabi yun

"Waahh Clairey, galit ka?" Kumapit si Shane sa braso ko at nagpuppy eyes

"Nope, pero gutom ako kaya halika na at kumain. Kanina ko pa kayo hinahanap"

Dahil malakas ang trip nila ngayon ay naisipan nilang magpicnic daw kami sa garden. Mukhang naghanda pa nga sila dahil si Eros ay may dala pang kumot pangsapin

"Dito ka lang Clairey ah, punta lang kami sa cafeteria para bumuli ng pagkain" aangal pa sana ako kasi iiwan nila ako kaso nakalayo na agad sila

Kahit malayo ay rinig na rinig ko pa ang pagmamaktol ni Lake na sasamahan niya nalang daw ako dito pero binibingi- bingihan lang siya ni Steph habang hinihila palayo

"Bumalik kayo kaagad!" sigaw ko sa kanila

Mabuti nalang at walang tao sa garden kaya sila lang ang nakarinig ng sigaw ko

Nang wala na sila sa paningin ko ay naupo nalang ako sa nilatag nilang sapin at tumingin sa paligid

Hindi ko alam kung anong naisipan nila kung bakit nila gustong magpicnic pero okay na rin 'to atleast tahimik.

Huminga ako ng malalim at kinuha ang libro ko na nakalagay sa bag.

Palagi akong may dalang libro para may gawin ako kapag wala akong magawa tulad nalang ngayon na hinihintay ko lang sila. Bihira nalang din ako nakakapagbasa ng libro dahil kadalasan ay ginagamit ko yung free time ko sa pag-i-sketch ng mga damit para mahasa ang pagdi-disenyo ko. Iniwan ko ang sketchpad ko kanina sa bahay kaya magbabasa nalang ako ngayon.

Binuklat ko ang libro at nagsimula ng magbasa pero hindi ko pa natatapos ang isang page ay biglang may kumuha ng libro sa kamay ko.

"Give that back!" sa pag-aakalang sila Steph yun ay sumimangot agad ako at suminghal habang tinataas ang tingin ko

Pero natiklop ko agad ang bibig ko ng makitang hindi sila yun kundi si Timothy

Tumikhim ako at umayos ng upo bago siya ulit tinignan. Nakatayo siya sa harap ko kaya kinakailangan kong tumingala pa

"What are you doing here?" nagatatakang tanong ko sa kanya pero imbis na sagutin ang tanong ko ay umupo lang siya sa tabi ko

Sobrang lapit niya sa akin kaya umurong ako ng kaunti palayo sa kanya, mukhang napansin niya naman yun dahil napatingin siya sa akin

Lumapit ulit siya at umurong sa tabi ko kaya tinignan ko siya ng masama

"What do you want?"

"You" seryoso niyang sabi while looking straight into my eyes

Medyo nasasanay na rin ako sa mva banat niya kaya hindi na ako natigilan dun. Siningkitan ko siya ng mata

"Seryoso, Timothy, bakit ka nandito at paano mo nalamang nandito ako?"

Labyrinth of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon