Chapter 13

696 46 8
                                    

It's Wednesday, the first day of Debut fest, that's why I woke up earlier than usual.

Hindi kami required mag-uniform para sa event na 'to and that means we can wear whatever we want. Pumili ako ng isusuot ko sa closet at dumiretso na sa banyo para maligo. I chose a long sleeve white v neck shirt with some stripes and a skinny jeans.

While I was brushing my teeth after taking a bath I noticed the bracelet on my wrist.

"That's a symbol that you're mine, you can't take that off"

Napangiti nalang ako ng maalala ko kung paano 'to binigay sa akin ni Timothy. Tinapos ko muna ang pagto-tooth brush ko bago ako naupo sa harap ng salamin at tinignan ang bracelet. Ngayon ko nalang ulit napansin 'to. Simula nung binigay niya 'to sa akin ay never ko siyang natanggal dahil tulad nga ng sinabi niya, siya lang ang makakatanggal ng bracelet. I tried so many ways to take it off but to no avail.

"Maybe I should ask him to remove this?"

Nag-usap na rin naman kami kaya siguro papayag siyang tanggalin muna 'to sa akin.

I pursed my lips and decided to not think about it for a while. I picked up my make-up kit and put a little on my face. Hindi ako mahilig magmake-up kaya kapag naglalagay ako ay nininipisan ko lang para hindi masyadong agaw pansin.

Inayos ko na rin yung suit at gown dahil ngayon yun dadalhin sa school para makita ng mga prof namin. Hindi ko pa sure kung paano yung pagkakasunod sunod ng mga lalabas at hindi pa rin naman sinasabi yun ng mga prof kung paano sila magd-decide

Matapos kong malagay sa clothes bag ay nagpatulong ako sa mga maid namin na ilagay yun sa backseat ng kotse ko.

Maagang nagigising sila Mom at Dad kaya pagbaba ko ay nandoon na agad sila sa dining room at nagb-breakfast.

Binati ko sila bago sumalo sa agahan. Wala pa si Kuya kaya siguradong tulog pa yun. Heavy sleeper din kasi yun, tulad ko. Siguro sa genes na namin yun.

"You're going to school already? It's still early" sabi ni Dad matapos niyang sumimsip sa tasa ng kape

Alas sais palang ng umaga kaya maaga pa talaga para pumunta ng school, pero kasi 7 am ang opening program ng fest at kailangan lahat ng students nandoon.

"Opo, after I ate breakfast. The festival opens early so I need to be at school before the opening" nagsimula na akong magsandok ng pagkain, nagpatimpla na rin ako sa maid ng gatas sa maid. Mas sanay kasi akong uminom ng gatas sa umaga kaysa kape

Tumango lang si Dad and after that the whole breakfast went quietly. Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam agad ako kila Mom at Dad na aalis na ako.

"Take care, okay?" akmang tatayo si Mommy sa pagkakaupo niya pero pinigilan ko siya at ako nalang ang yumuko para humalik sa kanya sa pisngi, ganun din naman ang ginawa ko kay Dad

"Enjoy" Dad said after I kissed him on the cheek. I just smiled at both of them before I bid my goodbye.

Pagkarating ko sa school ay marami ng tao. Pinark ko muna ang kotse ko at palabas na sana ako ng mapatingin ako sa backseat. Napakamot ako sa ulo ko nang maalala kong dala ko nga pala yung gown at yung suit. Inisip ko pa saglit kong kaya ko ba silang dalhin bago ako nakapagdecide na kaya ko nga pero kailangan ko lang mag-ingat ng sobra.

I was walking carrying the gown and the suit while praying to not get tripped. Mabuti naman at maayos ako na nakarating sa room kung saan ilalagay ang mga iyon. Nandoon na ang mga iba sa 3rd year Fashion Department at inaayos na sa mga mannequin ang mga gawa nila. Sobrang busy sa loob dahil kailangan pa palang gumawa ng mga cubicle na gawa sa kurtina/tela kada students para doon ilalagay yung mga formal wear.

Labyrinth of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon