Chapter 12

658 43 13
                                    


Pagkababang pagkababa ko sa kotse ay napaatras agad ako ng makita si Kuya na nakasandal sa gate namin. Take note, sa gate namin siya nakasandal habang nakalagay ang kamay niya sa bulsa niya na parang gangster na naghihintay ng mabibiktima niya.

"Kuya, bakit ka nandyan?" nagulat kong tanong sa kanya habang nakahawak pa sa dibdib ko. Okay OA, pero kasi pakiramdam ko muntik akong atakihin sa puso dahil sa pwesto niya. Naka-all black pa naman siya na damit kaya mukha siyang murderer

Tumayo siya ng maayos galing sa pagkakasandal at lumapit sa akin

"Where have you been?" umayos na rin ako ng tayo ko at pumunta sa backseat para kunin ang mga dala ko.

"Steven's" simple kong sabi habang binubuhat yung mga gamit. Iniingatan ko yung suit kaya medyo nahihirapan ako sa pagdala.

Alam na rin naman ni Kuya kung saan ang cafe ni Steven at kilala niya naman ito kaya alam kong sapat na yung sagot ko.

"Dapat nagsabi ka para hindi kami nag-alala. Akin na nga yan" kinuha sa akin ni Kuya lahat ng dala ko at nauna na siyang pumasok sa bahay habang ako ay pumasok ulit sa kotse at hinintay pang magbukas ang gate namin para makapagpark ako ng maayos

Maya-maya lang din ay bumukas na yung gate kaya pinasok ko na ang kotse. Nang makapagpark na ako ng maayos ay bumaba na ako at pumasok sa bahay.

Naabutan kong nakaupo si Mom at Dad sa sala habang nag-uusap, si Kuya naman ay pababa na sa hagdan galing sa studio ko.

"Hello Mom and Dad. Did you enjoy?" bumeso ako sa kanila at naupo sa tabi nila.

"Yes dear, we had lots of fun" nagkwento sila sa amin kung anong nangyari sa araw nila at kung ano yung mga ginawa nila. Pagkatapos ay kami naman ni Kuya ang tinanong nila.

Madalas kasi namin 'tong gawin dati bago pa kami tumira dito ni Kuya sa Manila, nagku-kwentuhan kami sa mga nangyari sa amin para alam namin yung nangyayari. Kaya nga dati ay nahirapan akong itago sa kanila yung nangyayari sa school.

"Anyway, when will your fashion show be?" Dad asked me

"3 days from now. Last day po kami ng Debut fest namin" alam naman nila Mom kung ano yung fest na yun. SA tatlong taon ko na ba naman na nag-aaral sa Rinlee

"So the fest will start tomorrow?" si Kuya habang naglilipat ng channel. Kanina niya pa yan ginagawa. Nag-ulit ulit na nga lang yung pag-ikot ng mga channels. Kung nandito lang talaga si Kuya Paris hindi niya yan magagawa. Sa kanilang dalawa kasi si Kuya Paris yung mas seryoso habang si Kuya Leander naman may pagka-carefree.

"Yap, the event tomorrow will be from the Idol Department"

"You have friends there right?" Mom asked curiously. Maraming beses na kasi nilang nameet sila Shane at Stephanie kaya kilala na nila

"Yes mom, she have friends there" tinignan ako ni Kuya pagkabanggit niya ng friends na para bang may pinahihiwatig siya sa word na yun. Kumunot nalang ang noo ko dahil hindi ko maintindihan yun. Hindi ko nalang siya pinansin at inirapan nalang.

"Kung gusto niyo po pwede kayong manood" usually ay para sa mga students lang yung fest at binibigyan lang ang bawat isa sa kanila ng isang pass para magserve na invitation sa isang tao lang. Kay Kuya ko lagi binibigay yung pass ko, pero siguro naman pwedeng maging exception sila Mommy since kilala naman nila yung may-ari ng Rinlee.

Yes, high school friends nila Mom at Dad ang may-ari ng Rinlee at Y.R.L. Nagulat nga ako nung una nung nalaman ko yun. Yun din yung dahilan kung bakit pumayag sila Mom na dun nalang ako mag-aral ng fashion designing instead na sa paris pa tulad ng gusto nila.

Labyrinth of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon