Chapter 29

574 46 33
                                    

Note:

Before you read this Chapter, balikan niyo muna yung Chapter 28, dapat hanggang sa note ko yung nabasa niyo-- if hindi pakibasa nalang uli. at kung hanggang dun then magproceed na kayo. Nagloko kasi si wattpad ko at yung hindi last revised yung pinublish, bago ko lang nalaman nung chineck ko at nakita kong putol. Yun lang naman, mag-enjoy kayo sa update <3

p.s. The picture above is the resort where Claire and her friends will stay (Kermit Surf Resort). Hindi ko masyadong ididescribe yung place at maglalagay nalang ako ng mga pictures. The photos were not mine tho, so credits to the owner.

p.p.s. Sobrang maa-appreciate ko talaga kung magvovote and comments kayo. Sobra 4k words 'tong chapter na 'to kaya sana maglagay kayo ng comments kayo hihihi ^.^v

~lovelots

=================================

Today's our trip! Monday ng umaga ngayon. Kahapon sana kami ng hapon, actually we were all set yesterday, nandito na sila sa bahay dala ang mga gamit nila but we decided na ngayon nalang at instead ay nag-overnight nalang kami kagabi. Hindi ko rin alam kung bakit biglang naisip ni Kuya Leander yun at dahil siya ang pinakamatanda ay nag-agree nalang kami

Busy ako sa paglalagay ng mga bagahe ko sa likod ng van nang biglang may kumuha ng maleta sa kamay ko nang akma ko na 'tong ilalagay.

"Let me" nagpasalamat nalang ako kay Lake dahil sa ginawa niya. Kahit naman kasi makipagtalo ako siya pa din yung mananalo.

Naayos na naming lahat yung plano at kami nalang talaga ang kulang.

"Hey, tigil-tigilan niyo na ang paglalandian diyan at sumakay na kayo dito!" Tinignan ko ng masama siya Kuya Leander dahil sa sinabi niya pero nagmake face lang siya sa akin bago sumakay sa van na maghahatid sa amin.

Hindi niya na nga ako tinulugan magbuhat ng mga bagahe ko tapos panay pang-aasar pa ang ginagawa niya.

Lake chuckled beside me so I looked at him and raised by brow.

Nagkibit balikat lang siya sa akin kaya iniwanan ko na siya dun at pumasok na rin sa van, sumunod din naman siya at tumabi sa akin

Tuminin ako a mga kasama ko at halos lahat sila ay nakapikit para matulog habng papunt sa airport, hals hindi kasi kami nakatulog kagabi dahil ang dami nilang trip na laruin

Hindi naman ako inaantok kaya nilabas ko nalang ang phone ko para tignan kung may text sa akin si Timothy, hindi kasi nagkita ulit simula nung friday kaya sa text or sa facebook lang kami nag-uusap, hindi naman ako nagkamali dahil may text nga galing sa kanya

From: Timothy

Good Morning! Did you already leave?

Alam niya yung tungkol sa trip namin ngayon daghil sinabi ko yun sa kanya nung tinanong niya ako kung ano gagawin ko ngayong sembreak.

Nilagyan ako ni Lake ng neck pillow kaya napatingin ako sa kanya pero nakangiti lang siya sa akin, nagpasalamat ako at nagpatuloy sa pagtipa ng reply kay Timothy

Labyrinth of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon