Chapter 20

531 44 11
                                    

Napalunok ako sa sarili kong laway dahil sa tanong niya

How am I suppose to answer that?

"Uhh" yan lang ang nasabi ko. Naghahanap ako ng sagot pero wala akong maisip.

Ano naman kasing dapat isagot ko diba?

Oo?

Eh hindi pa a ako ready, gusto ko kasi magsimula talaga kami sa pinaka-umpisa. Kakaunting araw palang simula nung nag-usap kami tapos magtatanong na agad siya ng ganito.

Hindi?

Hindi rin ako makahindi kasi parang may pumipigil sa akin.

Natigil ako sa pag-iisip ng bigla niyang hinawakan ang kamay  ko

"Don't worry, no pressure. You don't have to answer me now. You can answer when your ready" he said sincerely. Ngumiti nalang ako dahil hindi ko alam talaga ang sasabihin ko

Ligaw lang naman yun pero hindi ko alam kung bakit hindi ako makasagot agad. Siguro dahil mas gusto kong mag-stick muna kami sa una naming napag-usapan which was na maging magkaibigan muna kami

"Gusto mong kumain ulit?"pag-iiba niya ng topic. Umupo siya mula sa pagkakahiga niya at akmang kukuha sa basket nang pinigilan ko siya

"Ayoko ng kumain ng kanin, panay ulam naman yang dala mo" may kaunting pang-aasar ko sa kanya.

I have to thank him for lighting up the mood and there's no better way but to act normal as if he didn't just ask me if he can court me

"Grabe ka naman, may dala kaya akong sandwich" confident na sabi niya. Kinuha nia yung sinasabi niyang sandwich sa basket at binigay sa akin.

"Anong sandwich 'to?"

"Tuna Sandwich, your favorite" kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

I looked at him suspiciously. I don't remember telling him that

"Paano mo nalaman?"

"Sabi ko sayo stalker mo ko eh" kumindat pa siya at nag-smirk bago kumagat sa sandwich niya

My brow crease at what he said, hindi kasi ako naniniwala sa sinabi niya. Imposibleng malaman niya yun dahil lang sa pagsunod niya sa akin

"Yung totoo?" I pressed

"Wag mo na ngang alamin, basta kainin mo lang yan" inilapit niya sa labi ko ang sandwich kaya pinagbigyan ko nalang siya at nagsimula ng kumagat sa sandwich

"Anong oras na?" Tanong ko nang maubos ko ang sandwich.

Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko at pinunasan ang gilid ng labi ko.

Ang kalat ko talaga kumain minsan

"2:30 pm" nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya

3 pm ang film showing nila Stephanie. Hindi ko man lang napansin na halos tatlong oras na kami dito. Tumayo ako agad agad at pinagpag ang damit ko at inayos.

"Tumayo na jan, kailangan na natin pumunta sa theater room" sinenyasan ko siya na tumayo pero iniabot niya lang ang kamay niya

"Anong gagawin ko jan?" Nagtataka ko yung tinignan

"Help me up" nakangiti niya sabi. Inikot ko ang mata ko pero iniabot din sa kanya ang kamay ko para tulungan siyang tumayo

Tinulungan ko na rin siyang tupiin yun kumot at ilagay yun sa basket.

"Pwede daan muna tayo sa kotse?" Itinaas niya ang basket at naintindihan ko naman ang ibig niyang sabihin. Hassle nga naman kasi kung dadalhin pa namin yung basket sa theater room

Labyrinth of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon