Chapter 17

514 45 15
                                    


"Claire ako din payakap!" humiwalay ako sa pagkakayakap kay Timothy nang biglang sumulpot si Theo sa tabi ko

"Ha? Bakit?"

"Congratulations gift din" nakanguso niya sabi sa akin. Akmang yayakapin niya na ako ng pinigilan siya ni Timothy

"Tumigil ka nga Theo! Anong yakap yakap ka jan!" Nakakunot noo niyang singhal kay Theo, lumingon naman sa akin si Theo at nagpaawa gamit ang mga mata niya

Napailing nalang ako at tumawa. Para talaga siyang bata, parehas talaga sila ni Shane sa maraming bagay

"Sige na nga, lika dito" pinalapit ko siya sa akin at malaking ngiting lumapit naman siya, dumila pa siyankay Timothy para mang-asar

"Claire naman! Bakit mo siya yayakapin?" Parang batang angut niya na sinamahan niya pa ng papadyak padyak. Tss para siyang nalugi na ewan

"Bakit naman hindi?" Inirapan ko siya at niyakap na si Theo

Saglit lang din ang yakap na yun dahil bigla na siyang hinila ni Timothy palayo

"Tama na yan, nakayakap ka na diba?" Magrereklamo pa sana si Theo pero tinignan lang siya ng masama ni Timothy kaya nakasimangot na bumalik nalang siya kila Kyle

"Para kang sira. Inaapi mo si Theo" seryosong saway ko kay Timothy. Hindi naman kasi siya inaano nung isa tapos kung ano anong ginagawa niya

"Epal kasi siya. Dapat sa kanya maghanap na ng love life na bago para sa iba niya na gawin yang pagkaclingy niya" nakasimangot niya paring sabi habang naka cross arms.

Tss isa pa rin 'tong parang bata.

Nagpaalam na kami sa S.Rain nang lumabas na si Shane, Eros at Lake mula sa changing room. Niyaya namin sila kung gusto nilang sumama sa dinner pero tumanggi sila dahil kailangan daw nila magpahinga para sa schedule nila bukas.

"Anong oras na?" I asked Stephanie while we're walking to the parking lot

"9:28 pm, may bukas pa kaya na mga restaurant?" Tanong niya sa akin

Nagkibit balikat ako at sinabing maghanap nalang kami.

Nang makarating kami sa parking lot ay sumakay na kami sa kanya-kanya naming kotse, pinilit nanaman ako ni Lake na sumabay na sa kanya pero umaayaw ako- ayokong maulit yung hassle dati dahil iniwan ko ang kotse ko.

I was in the middle of driving when I received a text message, I couldn't check it coz I was driving so I decided to just ignore it and check it later

Thankfully ay may nakita pa kaming bukas na restaurant, nagpark na sila ng kotse at sumunod naman ako. I grab my bag and my phone before stepping out of my car

Dahil gabi na ay kakainti malang ang kumakain sa restaurant, pumili sila shane ng mesang makikita ang mga citylights at dun kami naupo

"Claire, sabi mo libre mo diba? Walang bawian" tumango lang ako kay Shane at kinuha niya naman ang menu para mag-order

Nagsimula na siyang sabihin ang mga order niya at nanlaki nalang ang mata ko ng marinig kung gaano yun kadami.

"Para sa ating lahat na ba yun?" Tanong sa kanya ni Eros.

Sa dami kasi ng order niya ay talagang kakasya na sa aming lahat yun. But I doubt it's for all of us.

"Nope, sa akin lang yun, pagod kaya ako at gutom na gutom pa. Sige umorder na kayo, libre naman ni Claire" nginitian niya pa ako ng malawak at pinigilan ko ang sarili kong mapa-face palm

Mukhaang pagsisisihan ko ata na nanlibre ako ngayon.

Umorder na rin si Lake at Eros, marami rin silang in-order pero mga kalahati lang yun ng order ni Shane. Kami ni Steph ay tama lang ang in-order dahil hindi naman kami ganun kagutom at alam naman namin na imposibleng maubos ni Shane lahat ng in-order niya

Labyrinth of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon