Chapter 52

383 32 1
                                    

Miss


Sa sumunod na araw ay hindi kami nagkita ni Timothy. Pinagleave niya kasi muna ako ng dalawang araw para makapagpahinga.

Busy rin kasi siya na habulin yung mga pinagpaliban niyang schedule. 3 days nalang ay YRL ball na. Meaning ay doon na ulit kami magkikita ni Timothy.

Chineck ko ang phone ko para sa tawag ni Lake. May usapan kasi kami na lalabas kami ngayon since ilang araw rin kaming hindi nagkita, nagkataon naman na wala na siyang ginagawa dahil busy na ang lahat para sa ball at wala ng mga upcoming events maliban dito.

"Are you going somewhere?" naupo sa tabi ko si Kuya Leander na may dalang dyaryo.

Apparently ay off niya ngayon sa trabaho niya, ewan ko nga sa kanya, ayaw niya pang imanage yung company namin na binibigay sa kanya ni Mommy at Daddy. Mas gusto niya raw magtayo ng sarili niyang company na related sa profession niya which is engineering. Dahil tuloy doon ay sa akin napasa ang para sa kanya dapat. Si Kuya Paris ay ganoon din ang gusto, kaya nga siya nagtagal sa states para sa training niya. Mabuti nalang at napilit siya nila Mom na imanage pa rin yung isa naming branch. Kahit ayoko ay sa akin talaga mapupunta yung company dahil ayaw rin ng mga Kuya ko. Tutulong lang daw sila sa pagmamanage but they don't want it under they name because they want to establish their own.

"Yap. May lakad kami ngayon ni Lake. It's been two weeks since we last saw each other" hindi ko maitago ang excitement sa boses ko nang sabihin ko yan

Namiss ko kasi talaga si Lake. Sa phone at skype lang kami nagkakausap and that's not enough.

"Date?" nakangisi at nang-aasar na tanong ni Kuya. I rolled my eyes at him but my smile didn't fade

"You can say that" I bit my lip to stop myself from smiling too much

Asan na ba kasi siya? Baka naman sobrang nagpagwapo pa siya, hindi niya naman na kailangang gawin yun

"Huwag kang ngumiti masyado. Halatang kinikilig ka tss" biglang nagsungit yung tono ni Kuya Leander kaya hinampas ko siya

"Natutuwa lang ako kasi namiss ko si Lake. Ikaw rin naman namiss mo siya"

"Never. Nakapaalam ka ba kay Kuya Paris? Mainit pa naman ang dugo nun kay Lawa" sabi niya habang busy siya sa pagflip sa dyaryong binabasa niya at pagsip ng kape.

Nagmature na talaga ang Kuya ko. Dati panay softdrinks at playboy's magazine ang binabasa ngayon newspaper na.

"He left early. I think he's already starting his new business" kibit balikat kong sagot.

Hindi naman mainit ang dugo ni Kuya Paris kay Lake. Siguro hindi lang siya sanay na may malapit sa aking ibang lalaki. He's just being over protective

Nagtanong pa ng kung anu-ano si Kuya Leander at kinamusta niya rin ako sa on-field ko.

Minsan nalang kami magkausap ng ganito ni Kuya since lagi siyang busy sa work niya. At kahit mapang-asar siya, inaamin ko pa rin na namimiss ko siya. Hindi na rin kasi kami nakakabakasyon nila Mommy dahil busy na rin sila dahil marami silang inaasikaso lalo na at malapit na nilang ipasa sa amin yung company.

"You're boyfriend's here"

Gusto ko pa sanang makipagkuwentuhan kay Kuya pero naputol rin agad dahil dumating na si Lake

Nagpaalam na kami kay Kuya at nagbilin pa siya ng kung anu-ano kay Lake bago niya kami pinaalis.

"Saan tayo pupunta?" I asked Lake while he's driving. Hindi kasi namin napag-usapan kagabi, basta he just decided to go out today

Labyrinth of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon