Chapter 38

490 33 3
                                    


Bumalik si Mom and Dad sa province nung saturday, kaya kami nalang ulit ni Kuya Leander ang nandito sa bahay.

Tuwing nakikita ko si Kuya Leander naaalala ko yung pag-amin ni Maize na crush niya ito. Minsan natatawa nalang ako kasi ano namang nakita niya sa Kuya ko

"Will you stop looking? You're seriously creeping me out" he made a grossed expression and I just laughed at him

Siguro kailangan ko sabihan si Maize tungkol sa kawirduhan ni Kuya

"Feeler, I'm not looking at you. I'm just thinking about something"
"Whatever. Diba sports fest niyo na sa monday?"

"Yap, bakit?" Tinignan ko siya ng nagdududa.

Baka kasi may masama nanaman siyang balak dahil hindi naman siya masyadong nagtatanong about school stuff tapos parang ngayon curious na curious siya

"Alam mo, princess, kanina ka pa! Kanina yung tingin mo sa akin parang may mali sa mukha ko tapos naman ngayon parang may masama akong gagawin. Masama bang magtanong?" Medyo tumaas ang boses niyang tanong pero imbis na matakot ay natawa pa ako

"Sa totoo lang Kuya, oo, kasi hindi ka naman masyadong nagtatanong" I told him truthfully

"Pssh, sama mo sa akin. Gusto ko lang sanang manood, titignan ko kung magagawa mo yung sport na mapupunta sa'yo" ngumiti siya ng parang demonyo kaya napailing nalang ako

"Ilang taon ko bang dapat sabihin sa'yo,Kuya, na for students lang yung event na yun"

Nakaraan kasing taon gusto niya rin pumunta pero hindi tulad ng debut fest ay exclusive lang ang sports fest sa mga Rinlee students.

"Nagbabakasakali lang ako, baka nagbago isip ng headmaster niyo"

Nagpatuloy siya sa pagkain kaya ganun nalang din ako.

Malapit lang ang university nila Kuya sa Rinlee. Nag-aaral siya sa St. Therese' University, prestigious school din at hindi lang basta basta nakakapasok dun. You'll need money and intelligence to study there and fortunately, Kuya Leander got both.

Dun din dapat ako mag-aaral bago ko naisipan na mag-art school.

"May mga event naman kayo sa St.Therese' pero bakit ba laging yung sa amin yung pinagdidiskitahan mo?"

"Mas interesting yung inyo" simple niyang sagot

Hindi ko nalang siya kinausap ulit at hinayaan na siyang tumahimik. Pagkatapos namin kain ay pumasok agad siya sa kwarto niya para mag-aral. Kahit naman makulit si Kuya Leander, seryoso pa rin siya sa pag-aaral. Sa totoo lang dean's lister nga siya palagi.

Nang mahiga ako sa kama ko ay chineck ko ulit ang phone ko.

"Wala pa rin" dissapointed kong sabi

Mula pa kasi kahapon ay hindi man lang nagpaparamdam sa akin si Timothy. Nagsend ako ng message sa kanya kanina dahil nag-aalala na ako kasi kahit naman gaano siya kabusy hindi siya pumapalya sa pagmessage sa akin, kaya tinanong ko na siya. Pero hanggang ngayon wala pa ring reply.

Nagsend ulit ako ng message sa kanya, simpleng 'good night' lang bago ko tinago yun phone ko.

Makikita ko naman siguro siya bukas

Maaga palang ay sinimulan na ang sports fest. Iisang team lang kami nila Shane kaya magkakasama kami ngayon at nanonood. So far ay hindi pa natatawag ang pangalan namin sa kahit anong sports.

Track and Field ang ginaganap ngayon. Pangalawang sport na 'to at sa isang araw ay apat na sports lang ang gaganapin, dalawa sa umaga at dalawa sa hapon.

Labyrinth of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon