Chapter 34

476 37 5
                                    


Kinabukasan ay halos hindi na kami mapaghiwalay ni Timothy, nag-usap lang kami ng kung anu-ano at maski pagbaba ay magkasabay kami. Si Kuya Leander at Lake ay magkasama at nag-uusap ng hindi ko alam pero mukhang seryosong seryoso sila sa pinag-uusapan nila. Kanina narinig kong may binanggit silang isang kanta kaya siguro tungkol sa music yung pinag-uusapan nila. Though hindi ko alam na interesado pala si Kuya sa mga music.

"Baka madapa ka, humawak ka nalang sa kamay ko" bago pa ako makareact ay hinawakan na ni Timothy ang kamay ko at inalalayan ako pababa.

Dala-dala niya ang bag ko dahil nagpumilit siya na siya na daw dahil baka mahirapan pa daw ako at mamaya gumulong-gulong pa pababa. Napairap nalang ako ng maalala ang sinabi niyang yun. Parang hindi ko naman kayang alalayan ang sarili ko, diba?

"Alam mo ang OA mo, kaya ko ang sarili ko at kung sakaling gugulong nga ako--tulad ng sinabi mo-- tatama pa ako sa mga nasa harap natin kaya hindi rin magtutuloy-tuloy"

Nasa pinakalikod kasi kami pero sa likod namin ay nandoon pa rin ang isang guide.

"Mas mabuti ng handa atsaka kahapon hindi kita naalalayan kahit gustong gusto ko kaya kailangan bumawi ako ngayon" kumindat pa siyas a akin kaya napailing nalang ako dahil sa mga pinaggagagawa niya.

Kahit naman hindi niya ako inalalayan kahapon ay alam ko naman na nandoon siya kung sakaling may mangyari sa akin.

Pagkabalik namin sa resort ay nagpahinga muna kami at bandang hapon ay bago namin napagdesisyunan na maglibot libot sa General Luna at sa Del Carmen. Namili na rin kami ng  mga pasalubong. Hindi naman maaga ang alis namin bukas kaya nagbalak din kami na maglibot.

So basically, we spent the remaining two days of our stay in Siargao just walking around and buying whatever we want.

"Ready na ba lahat ng gamit mo? Ako na ang magdadala niyang mga pasalubong natin kila Mom" kinuha ni Kuya mula sa kamay ko ang dala ko at nilagay yun sa likod ng van na maghahatid sa amin sa airport.

Ngayon na kasi ang alis namin pabalik sa Maynila.

"Sa pinakalikod ako Brian, dun ka sa may harap" narinig kong angal ni Nathan na nasa loob na ng van

"Nauna ako dito kaya bakit ako yung mag-aadjust para sa'yo?Ano ka sinuswerte?" nagsimula na silang magbangayan  sa loob.

Binalik ko ang tingin ko kay Kuya at tumango sa tanong niya

"Kagabi ko pa yan inayos kaya okay na, yung mga pinamili nalang naman natin kanina yung nagagdag jan" tumango siya sa sinabi ko at pinauna na akong sumakay sa van.

Dun siya naupo sa may passenger seat samantalang ako naman ay umupo sa tabi ni Stephanie sa may pinto.

"Sayang at uuwi na tayo, 'no?" may panghihinayang na sabi niya sa akin habang kinakalikot nanaman ang camera niya

Gusto sana kasi namin mag-extend kaso hindi pwede ang S.Rain dahil may schedule na sila at pati si Kuya rin meron na. Hindi naman pwedeng kami lang ang magpaiwan kaya nagdecide kami na umuwi nalang at kung may pagkakataon pa sa susunod ay babalik nalang kami at mas matagal ang stay namin.

I agree with her and we started talking about the things we'll do for the remaining one week of our semestral break.

Plano kong tapusin yung ginagawa kong damit para kay Lake para pagbalik namin sa school ay maibigay ko na sa kanya pero mukhang impossible yun dahil ang daming gustong gawin ni Stephanie para makapagbonding kaming tatlo nila Shane.

Sumingit na rin si Shane sa usapan namin dahil tulog ata si Eros na nakasandal sa balikat niya.

Hindi rin nagtagal ay nakarating na kami sa airport at nagboard na sa plane na sasakyan namin. This time ay si Steph na ang katabi ko at si Kuya at si Lake ay nasa may bandang likod, may pinag-uusapan ata sila na ayaw nilang marinig ko.

Labyrinth of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon