Chapter 22

467 47 15
                                    


"Nabusog ka ba?"

Papunta na kami ngayon sa event hall, nagprisenta kasi ulit siya na ihahatid niya na ako dun. Hindi niya na naman kailangan gawin yun pero nagpumilit siya. Hindi na rin naman ako nagreklamo dahil mas maganda na nga na may kasama akong naglalakad.

"Paanong hindi ako mabubusog eh pinaubos mo sa akin lahat" 

Sabi niya yung spaghetti daw ay para sa kanya pero ako pa rin halos ang kumain at nagpasubo lang siya ng ilang beses. Busog na busog tuloy ako.

Tumawa lang siya at umakbay sa akin

"Syempre, baka mamaya wala ka ng oras para kumain"

Malapit na kami sa event hall ng biglang mapahinto ako sa paglalakad nang may makita akong pamilyar na taong na nakatingin sa amin, at dahil nakaakbay sa akin si Lake ay napatigil din siya.

Napalunok ako at dahan-dahan na inalis ang pagkakaakbay sa akin ni Lake.

I don't know why but it's like I've just been caught cheating. Which is ridiculous because I'm not! Wala pa namang namamagitan sa amin at kung meron man ay wala naman kaming ginagawang masama ni Lake.

Timothy approached us with his eyebrows furrowed and a chagrin expression, even from afar I can see that he's not in the mood. Maybe he's been waiting there for too long now that's why he's pissed off.

Nang nasa harap na namin siya ay lumipat lipat ang tingin niya sa amin ni Lake, umigting ang panga niya kaya automatic na lumayo ako kay Lake ng kaunti. I don't even know why I did that!

"T-timothy" I awkwardly acknowledge him with a forced smile plastered on my face. Naguily ako bigla dahil baka kanina pa siya naghihinay diyan tapos ang bagal bagal ko pa kumilos kanina. Dapat kasi nagtext siya pagdating niya.

Dinaanan niya lang ako ng tingin bago niya nilipat iyon kay Lake. Nagtataka naman akong sinundan yun ng tingin.

"Hi, Timothy" Lake greeted him coolly but Timothy just nod at him.

Mukhang madadamay pa ata si Lake sa pagkawala sa mood ni Timothy kaya hinawakan ko kaagad siya sa braso para hilain palayo para paalisin na siya bago pa siya masungitan ni Timothy. Sinundan ni Timothy ang kamay ko at mas lalong umigting ang panga niya pero hindi ko nalang yun pinagtuunan ng pansin.

"Ah Lake, thank you sa paghatid sa akin. Okay na ako dito, you can go now" sabi ko kay Lake, tutal naman ay nandito na rin ako sa harap ng event hall. Gusto ko sana siyang yayain sa loob pero bawal pa kasi ngayon.

"Okay, goodluck mamaya" nakangiti niyang paalam sa akin at pinat pa ang ulo ko , lumingon lang siya saglit kay Timothy para magpaalam bago siya umalis.

Tinanaw ko muna si Lake bago naglakad pabalik kay Timothy at napalunok nalang ako when I saw him looking at me coldly- like I just did something wrong. Well, making him wait is wrong so understand if he's angry.

"Kanina ka pa?" I asked him but he didn't answer and just look at me.

Stupid, Claire! Of course kanina pa siya, kaya nga wala siya sa mood dahil sa paghihintay niya.

Hinawakan ko ang kamay niya para sabay na kaming pumasok sa loob pero nang tignan niya ang ginawa ko ay binitawan ko kaagad siya. Hindi ko madalas makitang off sa mood si Timothy kaya nangangapa tuloy ako ngayon kung anong gagawin.

Hindi ko nalang siya pinansin at pumasok sa event hall. Naramdaman kong sumusunod siya sa akin pero hinayaan ko na lang, hindi na ako nagtataka na nandito siya dahil dapat talaga ay nandito ngayon ang mga model.

Labyrinth of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon