Chapter 1

890 48 5
                                    

For whatever reason ay maaga akong nagising ngayong araw at pumasok ng school, sa sobrang aga ay ako lang yung tao sa room pagpasok ko.

Kinuha ko ang phone ko at tinignan kung anong oras na at napailing nalang ako nang marealize na sobrang aga ko talaga. 

Pinasak ko ang headset sa phone at nilabas ko ang sketchpad ko at nagsimulang magdagdag ng details sa last design ko na ipapass ko sa midterms.

Malapit ko na ring patapos yung output na pinapagawa sa amin, kaunting details nalang at magiging okay na. Sinimulan ko na kasi yun nung week palang na sinabi na gagawa kami dahil alam kong magagahol ako sa oras. Buti nalang at sinapian ako ng espirito ng inspirasyon kaya ang daming pumasok sa utak ko ng mga design dahilan kung bakit hindi ko na kailangan mag-rush para sa mga requirments.

Isa rin siguro yun sa mga dahilan kung bakit walang maagang pumasok ngayon, tatlong araw nalang kasi before ang midterms kaya siguradong busy pa sila.

Nilapag ko ang colored pencil na ginamit ko at tinaas ang sketchpad ko para tignan ang design na finally ay tapos ko na. In-inspect ko lahat at ng ma-satisfy ako ay napangiti nalang ako dahil para sa akin ay maganda na yun.

Finally! Tapos ko na!

Lumabas ako sa classroom dala ang sketchpad ko at yung iba pang ipapass ko na sa professor namin, siguro naman at nandoon na siya sa office nila. After that ay magpapaalam ako na hindi ako papasok ngayong araw para ayusin iyong output. Wala na rin namang tinuturo sa amin kaya okay lang siguro yun.

Habang naglalakad ako papunta sa office ng mga teacher ay nagtaka ako ng biglang nagsitakbuhan yung mga babae at nagtumpukan sa gate.

Nacurious ako sa kung anong pinupuntahan nila kaya sumunod din ako. Dahil unti palang naman ang mga estudyante ay madali akong nakasingit at hindi ko alam kung bakit biglang kinabahan ako ng may humintong limousine sa harap ng gate.

Bago pa magbukas yung pinto ay umalis agad ako at nagdiretso sa paglalakad, hindi ko na pinansin yung mga sigawan ng mga babae at hindi man lang ako lumingon.

Yes, I was expecting this. Alam ko na ngayon sila darating sa school since ito yung first day nila bilang college students.

Dapat 1st year palang sila pero since marami na rin naman silang experience ay advance agad sila bilang mga graduating.  Degree lang naman kasi ang kailangan nila.

Kaya rin siguro ako pumasok ng maaga ay para maipasa ko agad ang requirements ko at makauwi ng maaga. I know that this school is big but not enough that we wouldn't see each other. And I'm not ready to see them yet.

Nagmadali ako sa pagpunta sa office at nang nandoon ako ay kumatok ako kaagad.

"Come in" dahan dahan kong binuksan ang pinto at ngumiti sa professor ko na salamat naman ay maaga ring pumasok.

Ibinigay ko agad sa kanya ang sketchpad ko at sobrang kabado ako habang tinitignan niya ang mga designs ko dun. Nakahinga lang ako ng maluwag ng tumango siya at nilapag yun sa table niya. Nagpaalam ako sa kanya kung pwede na akong umuwi para matapos nayung output para sa midterms at thankfully naman ay pumayag siya.

Nagpasalamat ako at lumabas na.

Naglakad na ako pabalik ng classroom ko pero napatigil ako ng may narinig akong mga naglalakad at mga boses

"I kinda miss the school's ambiance" rinig kong sabi ng isang boses na sobrang pamilyar sa akin.

"Oh shit!"tatalikod na sana ako para maglakad sa kabilang direksyon pero huli na ang lahat dahil makaksalubong ko na sila at kapag ginawa ko yun ay magmumukha akong affected pa.

Labyrinth of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon