Chapter 7

709 56 6
                                    


"Thank you for taking me home" tinanggal ko ang seatbelt ko at bumaba na pero hindi ko muna sinara ang pinto ng kotse

"No problem. Do you want me to call Timothy to pick you up tomorrow?" pang-aasar na sabi niya kaya isinara ko agad ang pinto. Narinig ko pa ang tawa niya bago tuluyang sumara yun.

Sinenyasan ko siyang umalis na at tulad ng nakasanayan kong gawin ay hinintay ko munang mawala sa paningin ko ang kotse niya bago ako pumasok sa bahay.

"Princess!" I stopped on my track when I heard that voice. When I saw my mom running towards me I just smiled widely and went to her to hug her

Niyakap niya ako ng mahigpit kaya natawa nalang ako. Nakita ko si Dad na papunta na rin sa amin kaya kumaway ako sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit sila nandito but hell, I just missed them so much.

Minsan lang kasi sila makaluwas dito sa Manila dahil busy sila sa business nila o kaya naman ay sa pagta-travel. Last time I saw them in person was-I think 3 months ago.

Nang kumalas si Mommy sa yakap ay sabay kaming pumunta kay Dad at si Dad nanaman ang yumakap sa akin. Sakto namang lumabas si Kuya sa kusina dala ang mga cookies na binake ko last time.

"Princess, you're home" nilagay niya ang cookies sa coffee table at kumuha muna ako nun habang tumatango sa kanya.

"Now that Claire's here, can you please tell us the reason you went here?" diretsang tanong niya kila Mom kaya tumingin din ako sa kanila para manghingi ng sagot.

Ganyan kasi talaga si Kuya kapag kausap niya sila Mommy, hindi naman bastos pero straight to the point lang. Parehas sila ni Kuya Paris, kaya nga hindi sila pwedeng makontrol nila Mom kasi kapag gusto nila, gusto talaga nila.Pero kapag may sinasabi naman sa kanila ay nakikinig sila

"We just missed you so much so we decided to take a vacation and be here with you. We also heard of the fashion show that Claire's part in and we wouldn't want to miss that" sagot ni Dad kay Kuya.

Napangiti naman ako dahil sa sinabi nila. I'm really lucky to have them as my parents, kahit kasi busy sila ay lagi silang naglalaan ng time para sa aming magkakapatid.

"And aside from that, we wanted to see your creation personally!" excited na sabi ni Mom

"Mom, you're gonna be so proud of my little sister" tumayo si Kuya at siya na mismo ang nag-lead kila Mom at Dad papunta ng studio ko. Sumunod lang ako sa kanila ako sa kanila habang hawak- hawak ni Mom ang kamay ko.

"Wow, it's more beautiful in person!" tuwang-tuwang inikot ni Mommy at Daddy yung gown at suit

"Why don't you try to wear it" suggestion ko. Ayaw pa nila nung una peo napilit namin nila ni Kuya Leander.

"You looked so young!" tumawa kami ni Kuya pagkalabas nila sa dressing room. Nagmukha talaga silang bata ulit.

"Let's take a picture then let's send it to Kuya Paris. I'm sure he will be so envious"

Nagpicture-picture kami at ginawa nga namin ang sinabi ni Kuya. Maya- maya lang ay nagrequest na agad ng skype si Kuya Paris at nagmaktol sa amin dahil lagi nalang daw naming siyang iniinggit.

Sa ibang bansa kasi nag-aaral si Kuya Paris at minsan lang siya nakakauwi kaya si Kuya Leander ay gusting-gusto siyang inaasar.

After naming magpicture ay nagpalit agad ulit sila Mom and Dad dahil naasiwa na daw sila sa suot nila.

Nag-dinner lang kami at nag-usap bago pumunta sa kanya-kanya naming mga kwarto. Marami kaming nireport, term ni Kuya, kila Mom kaya medyo natagalan yung pag-uusap namin.

Labyrinth of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon