Chapter 41

489 31 20
                                    

"Hmm" umikot ako sa higaan ko at sinubukang wag pansinin yung pagtunong phone ko

Sobrang antok ko dahil madaling araw na ako natapos kagabi para tapusin yung mga designs na kailangan kong ipass ngayon

Tinakpan ko ng unan yung ulo ko pero naririnig ko pa rin yung tunog ng phone ko kaya wala akong choice kung hindi sagutim yun.

Tinatamad kong inabot yun sa pagkakapatong sa taas ng drawer at sinagot habang nakapikit pa rin

Gusto ko pa talagang matulog...

"Hmm?" Wala sa wisyong sagot ko sa phone, ni hindi ko man lang tinignan kung sino yung tumawag, basta sinagot ko nalang

"Goodmorning, babe"

Minulat ko ang mata ko nang marinig ko ang boses niya sa kabilanng linya at hindi ko mapigilang mapangiti.

"Goodmorning rin" bati ko sa kanya pabalik gamit ang antok pa rin na boses.

Niyakap ko ang unan ko at siniksik ang mukha ko dun. Mukhang hindi na ata talaga ako makakabalik sa minamahal kong pagtulog

"Sorry to disturb your sleep, babe, but I need to wake you up. That's what you want me to do" malambing na sabi niya sa kabilang linya

Tumango ako kahit alam ko naman na hindi niya ako makikita.

Nagbilin kasi ako sa kanya kagabi na tawagan ako ng maaga dahiol kailangan kong pumasok sa school para maibigay kay prof yung mga designs. By 9 am kasi ay aalis na siya para sa convention ng mga designer sa Paris and luckily kasama yung mga design ko sa ipepresent niya dun.

It's been just a week since nagstart ang last year ko sa university pero sobrang daming oppurtunities na agad ang dumating sa akin. Mas dumami ang clients na nagpapadesign at yung mga designs na pinapass ko sa mga professors ko ay madalas nilang napipili na ipresent sa mga event.

I really consider those a gift from above for my birthday this month. Parang wala na nga akong mahihiling pa na regalo dahil so far ay sobra sobra na ang natatanggap ko.

"No, it's okay. Thank you for waking me up, I slept late last night so I'm sure that if you didn't called me, I would sleep until later"

Bumangon na ako sa pagkakahiga at naupo muna sa kama ko, wala kasi akong tiwala sa sarili ko dahil siguradong makakatulog ulit ako kapag nanatili akong nakahiga. Sinulyapan ko ang orasan sa bedside table ko at nakita kong alas sais na pala. Kailangan ko ng kumilos para maabutan ko pa si Prof dahil baka before 8 ay wala na siya sa campus.

"No problem, basta ikaw babe. Pero sige na, kumilos ka na at baka hindi mo pa maabutan si Miss Almacen" tukoy niya sa prof ko. Sumang-ayon naman ako sa kanya at pinatay na ang tawag.

Mabilis akong kumilos at bumaba na para makapag-almusal pagkatapos.

"Good Morning again, babe" napangiti ako ng maabutan ko si Lake sa sala na nakaupo at nakangiting binati ako.

As expected ay pumunta ulit siya para sunduin ako. Halos hindi ko na nagagamit yung kotse ko dahil lagi akong sinusundo ni Lake

"Good Morning din ulit, nagbreakfast ka na?" Naglakad ako papunta sa dining room at sumunod naman siya

Nandoon na si Kuya Leander na umiinom ng kape niya. Nakasuot na rin siya ng suit at nakaready to go na para sa trabaho niya

"Good morning engineer" pang-aasar na bati ko sa kanya.

Tumango lang siya sa akin at nagpatuloy sa pagbabasa ng dyaryo.

Pssh simula nung nagsimula ng magtrabaho si Kuya medyo nag-improve na yung pagiging seryoso niya.

Labyrinth of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon