Chapter 3

728 51 11
                                    


Hindi ko na ulit hinawakan ang phone ko matapos kong mabasa yung text. Hindi ako makapag-focus sa pinapanood namin at kapag kinakausap ako nila Steph ay tumatango o umiiling lang ako.

Kahit hindi sinabi nung nagtext ang pangalan niya ay kilalako na agad kung sino siya. Alam kong sinabi kong ready na akong makita siya pero hindi ko naihanda yung sarili ko na ngayong gabi siya magpaparamdam.

"Bye Clairey" nginitian ko lang si Shane at kinaway ang kamay ko

TInignan naman ako ng maigi ni Steph bago siya lumapit sa akin at bumeso pero may binulong siya sa akin.

"Are you okay?"

Tumango ako at sinabing pagod lang ako. Halata namang hindi siya naniniwala pero hindi na siya nagtanong pa.

Hindi ako nakatulog ng maayos dahil iniisip ko yung text ni Timothy sa akin.

I closed my eyes and turned and turned on my bed but I can't take it off my mind so I picked up my phone. Yun pa rin ang huling text niya at ewan ko ba pero nainis ako bigla.

Porket hindi ako nagreply hindi na rin magte-text ulit!

Teka, bakit ba ako naiinis?

Arggh!!

Pinilit ko ang sarili kong matulog at nagtagumpay naman ako. Sigurado nga lang akong sobrang gabi na ako nakatulog dahil tinangahali na ako nagising kaya sobrang nagmadali ako sa pag-aayos ng sarili ko.

Cautious pa ako habang tumatakbo papunta sa claasroom ko kasi baka makasalubong ko siya. Thankfully naman ay hindi kaya matiwasay akong nakarating sa room.

Wala pa rin ang professor namin kaya naghintay pa kami saglit. Tinignan ko lang ulit ang cellphone ko at tinago agad yun sa bag ng dumating si Prof.

"A fashion designer must be punctual so I expect that you already finished the tasks that was given to you" yan agad ang bungad sa amin ng Professor namin pagkapasok na pagkapasok niya palang sa room

Mabuti nalang talaga at natapos ko na yung output ko at mukhang tapos na rin naman ng mga kaklase ko yung sa kanila dahil lahat sila ay tumango sa sinabi ni Prof.

"Good. Now I want you to know that we will be having a fashion show to showcase you creations..." napuno ng bulungan ang buong room at maski ako ay na-excite sa sinabi ni Prof.

It will be the first time na irarampa ang mga gawa namin kaya naman nakakakaba at the same time nakaka-excite. I already assumed this since all the other departments are having the gimmicks of their own and of course hindi kami magpapahuli.

Pinatahimik muna lahat ni Prof bago siya nagdiretso sa sinasabi niya.

"As I was saying, your creation will be ramp on stage so of course you will need a model. Now may I know who among you created a gown?"

Itinaas ko ang kamay ko at pagtingin ko sa mga kaklase ko ay almost all of them also raised their hands. I already expected this, kaya nga yung unang ginawa ko ay suit dahil alam kong karamihan sa amin ay gagawa ng gown. Sa gown kasi ay mas marami kang magagawa unlike sa suit na medyo limited lang so every little details are really important.

"What about those who made suit?"

Mga sampu lang siguro ang nagtaas ng kamay at kasama na ako dun. Bumaling sa akin ang tingin ni Ma'am at tinaasan niya ako ng kilay

"You made a suit and a gown, Miss Buenaventura?" tumango ako at tumayo para sagutin si Prof

"I created a pair and I based it on my theme, so a suit and a gown" ngumiti siya at pinaupo na ako. Nakahinga naman ako ng maluwag ng makita ko yun.

Labyrinth of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon