Chapter 59

300 32 2
                                    


I was cuddling with Timothy when we heard a loud knock from the door. Nagkatinginan kami at umupo galing sa pagkakahiga

"Timothy! Lumabas ka sa kwarto ng kapatid ko kung ayaw mong mapaospital ngayong gabi!" napatayo ako bigla dahil sa sigaw ni Kuya Leander galing sa labas.

Hindi na ako nag-atubili pa at agad na binuksan ang pinto dahil base sa pagkakakatok niya, alam kong kaya niyang sirain yun kapag napuno siya

"Kuya" maingat kong tawag sa kanya when I saw him, tinignan niya ako ng masama bago bumaling ang tingin niya kay Timothy na nasa likod ko na

Wala namang kaming ginagawang masama ni Timothy kaya hindi ko alam kung bakit ganito si Kuya, at hindi ko rin alam kung bakit mukha kaming nahuling tuta ngayon ni Timothy.

We didn't do anything!

"Ikaw, sinong nagsabi sayong pwede kang pumasok sa kwarto ng kapatid ko?" seryoso niyang tanong, ganyan yung tonong ginagamit niya sa akin kapag umuwi ako ng gabi nang hindi ako nagpapaalam o kaya naman kapag may nagawa akong hindi niya gusto

Tinignan ko si Timothy para tignan kung kinakabahan din ba siya tulad ko pero chill lang ang mukha niya. Akala mo hindi takot sa Kuya ko.

"Ano!? Balak mong matulog jan? Akala mo hahayaan ka namin?" napangiwi ako dahil sa lakas ng boses ni Kuya. Mukhang bubugbugin niya na talaga si Timothy at itong isa naman parang walang gagawin kaya sumingit na ako

"Kuya Leander naman, we didn't do anything wrong. Nag-usap lang kami" paliwanag ko sa kanya pero tinignan niya lang ako ng masama

"Ikaw ba ang kinakausap ko?" napakurap nalang ako at tinikom ang bibig ko

Sabi ko nga

Napansin kong kasama niya rin pala si Kuya Paris na nakasandal lang sa gilid ng pinto habang naka-cross arms, mukhang enjoy na enjoy pa sa pinapanood

I looked at him, asking him to stop Kuya Leander, pero nagkibit balikat lang siya at nagsmirk bago binalik ang tingin sa dalawa

"Ano? Hindi ka magsasalita jan?" parang mas napikon pa ata si Kuya Leander dahil sa cool lang na itsura ni Timothy, para kasing hindi man lang natatakot

"Timothy, uwi ka na muna" I tugged his shirt to get his attention.

Nagulat ako ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko at tinignan ako bago bumaling sa mga Kuya ko

"I'll marry her"

Halos mabali ang leeg ko sa biglang pagbaling ko sa kanya. Seryosong seryoso ang mukha niya at hinila ko ang kamay ko para kunin ulit ang atensyon niya pero pinisil niya lang to

Napadiretso sa pagkakatayo si Kuya Paris at ngayon siya na ang kaharap ni Timothy

"Timothy" I called him for no reason, maybe I want him to take it back because it seems like my brothers didn't take it lightly

"What did you say?" I  closed my eyes when I heard Kuya Paris' murderous tone

Dahan dahan akong napalingon para tignan ang itsura nila at mas natakot ako ng makitang parang handa na silang pumatay

"Kuya nagjojoke lang si Timothy.  Hindi yun totoo ah" I tried to convince them pero ni hindi man lang sila sumulyap sa akin

"I wasn't joking, I'm serious, I will marry Claire" tuloy tuloy na sabi ni Timothy na akala mo walang makakapigil sa kanya

"Timothy naman eh!" saway ko

He's just making the situation worse!

"Aba't!" nagulat ako nang biglang piningot ni Kuya Leander si Timothy at hinila siya palabas. Napabitaw sa akin si Timothy at agad naman siyang kinaladkad ni Kuya.

Labyrinth of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon