Chapter 30

517 43 22
                                    

Tawang-tawa ako habang bitbit-bitbit ko ang surfboard para ibalik na 'to

Ang lakas ng loob ni Kuya na hamunin ako, yun naman pala ay pumurol na siya. Kung ako kasi ay 3 years ago nang huling nakasakay sa mga alon, siya naman ay halos apat or limang taon na, basta simula nung lumipat kami sa Manila

"You just got lucky" ayaw niya pa rin aminin na natalo ko siya sa mga tricks na ginawa namin kanina.

Ginawa kasi naming judge yung mga kasama namin at ako ang pinili nila para manalo. Tapos na rin ang surfing lessons nila at kahit papaano naman ay nakakasabay na sila sa amin sa mga basic surfing.

"Whatever, Kuya" I mocked him

Naasar na ata siya sa akin dahil nauna na siyang naglakad. Mas natawa nalang ako sa ginawa niya, asar talo si Kuya!

It's good to have him taste his own medicine

"Claire, ako na jan" may kumuha sa bitbit kong surfboard at paglingon ko ay si Lake yun.

Dalawa na ngayon yung dala niyang board kaya babawiin ko ulit sana yung sa akin pero nagpumilit siyang siya nalang daw

"Hindi ko alam na marunong ka palang mag-surf" nakangiti niyang sabi sa akin habang sabay kaming naglalakad.

Naririnig ko ang pag-uusap ng mga kasama namin sa likuran sa ibang bagay at nagtatawanan din sila.

"It's not really something to tell"

"Kaya pala sinuggest mong dito sa Siargao pumunta, I'm happy that I got to know something about you today"

"Syempre naman, this is the surfing capital of the Philippines! Ang tagal ko ng pangarap na makapunta dito" nakangiti kong sabi sa kanya, hindi ko na pinansin yung huli niya sinabi tho it made me feel something inside my chest.

Nang maibalik na namin ang mga board ay nanghiram kami ng bangka para makapaghuli kami ng isda.

Tatlo langyung fishing at nagvolunteer si Timothy, Lake at Alex na sila na ang gagamit nun.

Kaya ang ginawa lang namin habang naghihintay ng huli nila ay ang magkwentuhan at pag-usapan ang mga lugar na pupuntahan namin sa mga susunod na araw.

Nang medyo marami na silang nakuha ay bumalik na kam sa pampang.

Kaming tatlong mga babae ay dumiretso muna sa cottage para magpalit ng damit, yun din yung ginawa ng iba pero yuniba naman ay naghanap ng mga kahoy para sa balak nilang bonfire mamaya.

"What's with Lake and Timothy?" Biglang tanong ni Steph habang nag-aayos kami ng sarili namin

Tumingin ako sa kanya dahil sa tinanong niya samantalang si Shane ay nakikinig lang sa amin.

"What do you mean?" Nagtataka kong tanon dahil wala naman akong napapansin dun sa dalawa.

"Para silang naglalamangan, right Shane?" Bumaling siya kay Shane para hingin ang opinyon nito at sinundan ko naman siya ng tingin.

Nagsusuklay ako ng buhok ko pero tumigil muna ako para makapagfocus sa pinag-uusapan namin.

"Tama si Steffy, Clairey. Para silang may laban tapos kailangan mas lamang sila sa isa't isa" tumatango tangong sabi ni Shane

Napaisip ako sa sinabi nila at kumunot ang noo ko para alalahanin kung may ginawa ba talaga yung dalawa na ganun pero kahit anong isip ko ay wala naman akong napansin

"Hindi naman ata, wala naman akong napansin" sabi ko, tumango naman silang dalawa at pumayag na isa walang bahala nalang yun.

Nagpatuloy ako sa pagsusuklay ng buhok ko pero ang isip ko ay nasa mga ipsinabi nila. Oobserbahan ko nalang yung kilos ni Timothy at ni Lake mamaya para tignan kung tama yung napapansin nila Shane at Steph. Pero kung ganun nga, bakit naman sila maglalamangan?

Labyrinth of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon