Chapter 35

371 29 5
                                    


"Princess, ready ka na daw ba sabi nila Mom? Ang tagal mo namang mag-ayos" narinig ko ang boses ni Kuya sa may pinto pagkatapos niyang kumatok

Sumunod naman ako sa kanya at lumabas na ng kwarto, naabutan ko siyang nakasimangot sa akin.

"Bakit ang tagal mo?" Nakakunot noo niyang tanong

Imibis na sagutin siya ay nauna na ako bumaba nang hindi siya hinihintay.

Magsisimba kasi kami ngayon, malapit ng bumalik sila Mom at Dad sa province kaya susulitin namin yung time na nandito pa sila.

Dapat masaya ako pero hindi ko makuhang maging excited dahil kinakabahan ako sa gagawin ko bukas.

Nagdasal ako na sana walang magbago dahil sa desisyon ko.

"May problema ka ba, Claire? Kanina ka pa ata wala sa sarili mo?" Nag-aalalang tanong sa akin ni mommy habang kumakain kami ng dinner.

Kakauwi lang namin galing sa mga pinuntahan namin ngayong araw pagkatapos naming magsimba.

"Wala po mom, maybe I'm just anxious about going back to school tomorrow" palusot ko nalang at nagpaalam na para makapunta na ako sa kwarto.

Kinabukasan pagkapasok ko sa school ay hindi ko nakita buong maghapon kahit isa kay Lake at Timothy. Naka-off ang phone ko at bago ko lang yun binuksan nang matapos na ang lahat ng klase

"Should I really do this?" Wala sa sarili tanong ko sa hangin--no-- tanong ko sa sarili ko

Paano kaya kung wag nalang?

Nag-aalangan ako sa gagawin ko pero alam kong ito yung dapat kong gawin, kasi kapag mas pinatagal ko pa baka mas maging mahirap pa hindi lang para sa akin kung hindi para sa aming lahat.

I took a deep breath and gathered all my strength to dial his phone number.

My heart is beating so fast while the phone is ringing.

I just have to think about the reason why I have to do this

I took a deep breath when he finally answered.

(Hello?) I heard his deep voice at the other end of the line

"Can we meet?"

(Right now? Okay)

Sinabi ko sa kanya kung saan kami magkikita at kung anong oras

"Claire" napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko at pakiramdam ko biglang huminto sa pagtibok ang puso ko

"Timothy"

"Nandito ka lang pala, I've been looking everywhere for you" tumabi siya sa akin at sumandal din sa railings tulad ko

Hindi ko siya sinagot at tumingin lang sa malayo.

I know I"ve already settled my feelings pero hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya.

"Tahimik mo ata ngayon? Bakit nga pala hindi ka nagrereply sa mga messags ko tapos di rin kita matawagan" ngumuso siya na parang nagtatampo kaya kahit papaano ay napangiti ako

"My phone's turned off" pinakita ko pa sa kanya ang phone ko na pinatay ko ulit, para mapatunayan sa kanya.

"I see. I missed you, I'm sorry if we didn't meet last week. We're just so busy preparing for the comeback" I winced when he suddenly put his head on my shoulder but then I started to relax

"It's okay, hindi mo namang kailangang gawin yun" sinilip ko siya at nakita kong nakapikit ang mga mata niya

He must be so tired

Labyrinth of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon