Chapter 32

404 36 5
                                    


Kinagabihan ay natulog agad kaming lahat dahil sa sobrang pagod sa isang buonaraw na ginuhol namin sa Cloud 9. Siguradong sasakit ang mga katawan nila dahil hindi pa sila sanay at baka ako rin dahil matagal na akong hindi nakasurf

And I'm right

"Ouch! Ang sakit ng braso ko Ero-ero! Parang binugbog ng madaming boxers" mangiyak ngiyak na sabi ni Shane habang nakahiga siya sa kama niya dahil hindi rin daw siya makatayo

Lahat kami ngayon ay nakahiga sa sari-sarili naming mga kama dahil pare-parehas kaming parang binugbog ang mga katawan.

"Let's stay here for the rest of the day so that we can get rest" suggestion ni Kuya Leander

Maski siya ay sumakit ang katawan dahil nanibago.

We all agreed to him. Anyway, we already expected it that we will be this way so Steph and I didn't plan anything today. Siguro mamaya kapag medyo okay na kami ay baka dito nalang kami sa resort mag-enjoy.

Kinuha ko nalang ang headset ko at pinasak ito sa tenga ko para makinig sa mga music. Sakto namang nagplay yung kanta ni Lake na ginawa niya kaya madali akong nakatulog dahil sa soft ng boses niya.

Nagising nalang ako ng biglang tumunog yung cellphone ko sign na may nagtext, at dahil nga nakapasak pa rin sa tenga ko ang headset ay diretso agad sa tenga ko yung tunog.

Napabalikwas ako ng bangon, mabuti nalang at hindi na masakit ang katawan ko. Nilibot ko muna ang tingin ko sa kwarto at nakitang kong tulog pa rin silang lahat. Dinampot ko ang cellphone ko at tinignan kung sino ang nagtext

From: Timothy

Tulog ka?

Kumunot ang noo ko sa text niya at tinignan ang oras. Nanlaki ang mata ko nang makitang alas dose na ng hapon.

Lunch time na pala at hindi pa nagigising ang mga kasama ko. Siguro napagod talaga sila ng sobra. Okay lang naman siguro kung hindi ko na muna sila gisingin para makapagpahinga talaga sila dahil siguradong kakailanganin nila yun para sa gagawin namin bukas.

Nagdesisyon ako na maglakad lakad nalang muna sa buong resort dahil hindi na rin naman ako makabalik sa pagtulog.

Habang naglalakad ako at tumitingin sa paligid ay nagtype ako ng reply para kay Timothy.

To: Timothy

Nope, kakagising ko lang. Saan ka?"

Naisip ko kasi na kung wala rin naman siyang ginagawa ay magpasama nalang ako sa kanya para atleast hindi naman ako magmukhang loner dito habang naglalakad-lakad.

Yes, yan lang talaga ang dahilan.

Nagreply din naman kaagad siya kaya huminto muna ako sa paglalakad.

From: Timothy

Nasa cottage namin. Sumakit katawan naming lahat kaya nagpapahinga lang, tulog mantika nga sila. Kinuhaan ko sila ng pictire papakita ko sa'yo mamaya

Napatawa ako ng mahina dahil sa reply niya. I can imagine him grinning right now, trying to stop his laughter at his friends' sleeping faces.

I decided na wag nalang siyang ayain para makapagpahinga siya. I was about to put my phone back on my pocket when it vibrated again

Labyrinth of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon