Chapter 11

727 57 11
                                    

I stayed in the bathroom for almost 10 minutes fixing myself and trying to keep my mind straight.

Nag-usap na kami ni Timothy na dapat maging komportable ako sa kanya kaya dapat gawin ko yun. I should just act the same way I did years ago, when I'm with him.

Paulit-ulit ko yang pinaalala sa sarili ko.

I was pacing back and forth when I suddenly hear someone knocking on the door.

"Claire? Are you okay?" Timothy asked at the other side of the door.

Huminga ako ng malalim at tinignan ulit ang sarili ko sa salamin.

Seriously, kailangan ko na talagang ayusin yung sarili ko pati yung pag-iisip ko.

"Claire?" gumalaw yung door knob senyales na sinusubukan niya yun buksan.

Lumapit ako doon at binuksan yun. Bumungad agad sa akin si Timothy pagkalabas ko. His face is full of worry.

Sobrang tagal ko siguro sa banyo na nag-alala siyang nalunod na ako sa inudoro.

Napaismid ako dahil sa naisip ko.

"Bakit ang tagal mo?" nagtatakang tanong niya

Hindi ko muna siya sinagot at naglakad lang ako pabalik sa sofa bago umupo dun

"Claire, hindi mo ba ako sasagutin?" umupo siya sa tabi ko at tinignan ako.

"Kailangan ba sabihin ko pa sayo lahat?" singhal ko sa kanya. Mukhang nagulat naman siya sa sinabi ko dahil napatigil siya bigla at tumitig lang sa akin

Maski ako naman nagulat sa sinabi ko. Siguro sobrang gulo lang talaga ng isip ko kaya nasinghalan ko siya. Kasi naman, masyado niyang ginugulo yung isip ko kaya maski sarili ko hindi ko na rin maintindihan.

Maybe this is all happening too fast.

Nasanay ako na hindi ko siya kasama for 3 years tapos ngayon nandyan ulit siya at sinasabing he'll get me back. Masyado siguro ako nabigla. Sino ba namang hindi di ba? Mas matagal pa yung hiniwalay namin kaysa sa time na magkasama kami.

Umiwas ako ng tingin sa kanya. Medyo nagi-guilty ako sa ginawa ko kaya naiilang akong tumingin sa kanya. Wala naman siyang ginawang masama, alam ko yun, ako lang talaga tong magulo.

"Sorry" I sincerely muttered

Napatingin ulit ako sa kanya ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

"I know there's something bothering you. Do you want to tell it to me?" sinserong sabi niya. May bahid ng pag-aalangan yung tanong niya, para bang takot siyang bigla ulit akong magalit. Pero kahit ganun ay bakas sa boses niya ang pag-aalala

Mas lalo tuloy akong nagi-guilty. Mas mabuti siguro kong sabihin ko sa kanya na masyado akong nabibilisan sa pangyayari to the point na kahit gusto kong maging komportable ay hindi ko magawa.

I need to settle my feelings first, akala ko kasi dati naka-move on na ako sa kanya pero ngayon ginugulo niya nanaman ang sistema ko.

"I just think this is happening too fast" I told him truthfully

Mas maganda nang sabihin ko sa kanya para maayos namin. I admit that he already stirred something inside me, again. But unlike in the past, I want us to start right, hindi yung pabigla bigla.

"What is?" tanong niya, pero alam kong naiintindihan niya naman yung sinabi ko. Siguro gusto niya lang na liwanagin ko talaga

"This. Us. Masyado kasing mabilis. Bigla ka nalang dumating ulit, the suddenly you're telling me that you'll get me back. How was that supposed to make me feel?"

Labyrinth of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon