Chapter 55

336 26 2
                                    


It's been over a week since I decided that I will talk to Timothy but I haven't done it yet.

Hindi ko lang kasi alam kung paano.

Bumalik naman ako at hanggang ngayon ay ginagawa ko pa rin ang mga responsibilities ko bilang assigned artist niya.

Maraming beses na nag initiate siya pero umiiwas ako. At hindi ko alam kung bakit!

Siguro hindi pa ako ready, ewan

Ngayon ay inaayos ko ang buhok niya at alam kong tinitignan niya ako through the mirror.

Kanina pa mabilis ang tibok ng puso ko at buti nalang nandito pa rin yung talent kong magmask ng emotion kaya napapakita kong normal lang ang lahat.

Kung tatanungin ako kung napatawad ko na ba siya, hindi ang isasagot ko. Naiinis pa rin ako sa kanya, inis, hindi galit. Pero narealize ko kasing may mali rin ako kaya hindi tamang isisi ko sa kanya lahat.

I should still listen to him. Dapat maging open minded ako at tanggapin lahat ng sasabihin niya.

"Claire" napahinto ako sa ginagawa ko ng bigla niya akong tawagin

Tinignan ko siya sa salamin at akmang magsasalita ulit siya ng pumasok sa DR niya ang coordinator para sabihing kailangan niya ng pumunta sa studio.

Mukhang aayaw pa sana siya kaya umiwas na ako ng tingin at lumayo.

Maybe we'll talk some other time.

Nang lumabas sila ay naghintay pa ako ng ilang sandali bago sumunod.

Tulad ng dati ay ay sa backstage ako pumwesto. Pinanood ko siya sa monitor, may performance sila ngayon.

I was thinking of how to approach him after this. Gusto ko na rin talagang makapag-usap kami.

Pero tulad ng mga nakaraang araw, hindi ko nanaman siya nakausap. It's either kapag lalapitan ko na siya ay biglang may kakausap sa kanya o kaya naman ay kapag lalapit na siya bigla akong naduduwag at lumalayo.

"Is there something bothering you?" Kuya Paris asked while we're having our dinner. Worry etched on his voice

Tinigil ko ang paglalaro ng pagkain ko at bumaling sa kanila. Nakatingin na sila sa akin ngayon, tinigil muna ang pagkain.

Naaalala ko dati, kapag may nangyayari sa akin ay sinasabi ko sa kanila lahat. But I can't seem to tell them my problem now. Kasi hindi ko pa naman nasasabi sa kanila yung puno't dulo at alam kong marami na silang iniisip sa business. Hindi na nga ako nakakatulong dun kaya mas mabuti pa sigurong hindi na ako dadagdag pa

Kaya ang ginawa ko ay ngumiti at umiling nalang sa kanila. After kong kumain ay nagpaalam agad ako at dumiretso na sa kwarto.

Hindi ko alam pero parang pagod na pagod ako, gusto ko nalang matulog ng matulog. I'm tired inside.

Ang daming gumugulo sa isip ko this past few days at kahit gusto ko ng ilabas sialng lahat para matapos na, hindi ko pa rin magawa. Kasi kahit anong kumbinsi ko sa sarili ko na kaya ko na, na kaya ko nang balikan at pag-usapan lahat. Hindi pa rin talaga

I know I'm being unreasonable pero hindi ko pa kasi talaga kaya. Maybe that's the reason why even when I have all the chance, I still can't talk to him.

Nakatulugan ko na lang ang pag-iisip kung paano ako magga-gather ng courage to talk to Timothy tomorrow.

At dahil sobrang emotionally tired ako, masyadong nasobrahan ang tulog ko at tanghali na ako nagising kaya grabe ang pagmamadali ko

"Bakit naman kasi di ako nakaset ng alarm?" pagalit ko sa sarili ko habang nagsusuklay ng buhok at palabas na ng bahay. Wala na akong oras pa para magblower at mag make up kaya pagkatapos ko ligo ay pinunasan ko lang saglit ang buhok ko bago dumiretso na

Labyrinth of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon