Chapter 26

473 45 27
                                    

When Lake parked his car outside our house, I quickly unbuckled my seat belt and slipped out of the car.

Tumatawa kami ni Lake habang binubuksan ko ang gate. Nang nabuksan yun ay agad kaming naglakad papunta sa bahay. Pinag-usapan kasi namin yung mga damit kanina at ang siraulo, nilait ba naman yung mga gawa ng iba.

"Yung isa nga dun parang hot air balloon lang sa sobrang pagkalobo" tumatawa niyang sabi habang papasok kami sa bahay. Hinampas ko siya dahil sa sinabi niya at sinaway siya pero tumatawa rin ako.

Bigla lang akong natigil sa pagtawa ng pag-angat ko ng tingin sa may pinto ng bahay ay nakita kong nakatayo dun si Timothy.

He's looking at us seriously with his lips pursed. He's not wearing the suit anymore which means he has changhed alreadu and is now wearing a v-neck white shirt and ripped jeans, the key necklace visible around his neck.

Bakit ba kahit ang simple lang ng suot niya ang gwapo niya pa ring tignan? Ganyan ba talaga kapag sikat na? But nah, maski naman dati kahjt anong suot niya ay bumabagay sa kanya.

Ngumiti ako sa kanya at nilapitan siya. Hindi ko alam na nandito na pala siya. Balak ko sana siyang tawagan kanina para imbitahan pero nakalimutan ko, siguro nakita siya nila Mommy at inimbitahan na rin.

"Kanina ka pa dito? Sinong mga kasama mo?"

Naramdaman kong tumayo sa tabi ko si Lake at nalipat kaagad sa kanya ang tingin ni Timothy. Inosenteng sinundan ko yun ng tingin bago ulit siya tinignan

"Bakit ngayon ka lang? Kanina ka pa hinihintay" he asked seriously instead of answering my questions

"Hmm may pinakita pa kasi sa akin si Lake. By the way bakit nandito ka sa labas?" Naririnig ko kasi ng mga boses ng mga tao sa loob kaya I'm sure nagsisimula na sila.

Mabuti nalang at hindi na nila ako hinintay pa dahil siguradong gutom na rin sila.

"Nagpapahangin lang" sagot niya bago siya tumalikod at naglakad na papasok.

Nagkibit balikat nalang ako sa inakto niya at inaya na si Lake na pumasok na. Susunod nalang sana kami sa kanya pero hindi na namin siya nakita pagkapasok namin.

Walang tao sa sala kaya tinanong ko pa sa maid kung nasaan sila Mommy at sinamahan naman niya kami sa backyard.

Lumaki ang ngiti ko nang makarating kami sa backyard at makita kung anong party ang ibig sabihin ni Kuya Paris

Barbeque party

Nilibot ko ang paningin ko sa mga tao. My parents, brothers, S.Rain and my friends are just the people there. So Timothy is with the whole S.Rain, that answers my question.Nang makita nila ako ay kumaway agad sila sa akin kaya pumunta ako sa kanila.

Nag-usap lang kami saglit bago ako nagpaalam na pupunta muna sa kwarto ko para magpalit dahil hindi na ako comportable sa suot ko. Medyo masakit na rin kasi ang paa ko dahil sa heels.

Lake offered to accompany me but I told him that I can manage.

I took a quick bath when I got to my room and wore a simple shirt and knee lenght short. I didn't spend so much time and went back to the backyard after I'm done.

Kila mommy muna ako pumunta at nakiupo sa table nila

"Where have you been?" Mom asked me when I sat beside her, Dad is on her other side while Kuya Paris and Kuya Leander are in seated in front of us. Kuya Leander eyed me teasingly but I just rolled my eyes at him. Sure he knows what really happened, I'm just wishing he didn't told anyone from our family.

"May pinakita lang po sa akin yung kaibigan ko po, si Lake" I told her the same as what I told Timothy earlier

Biglang umubo si Kuya Leander habang pinipigilan ang tawa kaya tinignan ko siya ng masama. Hindi ba talaga siya titigil?

Labyrinth of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon