Chapter 24

464 41 23
                                    


Hindi maidescribe ang saya ko lalo na nang ipinakikilala na kami isa-isa sa stage at pinapalakpakan ng mga nanonood pati na rin ng mga big boss

"Miss Claire Ylena Buenavista and her creation 'Atlantis'!" Humakbang kaming dalawa ni Timothy paharap nang tawagin ang pangalan ko

Mas lumakas ang palakpakan at narinig ko pa nga ang boses nila Shane na isinisigaw ang pangalan namin.

Malaking advantage talaga na final walk kami dahil mas tumatak kami sa mga tao.

Pagkatapos kaming ipakilala lahat at magclosing remarks ay bumaik na kami sa backstage. Agad naman kaming binati ng mga professors namin for a job well done.

Nag-group picture kaming lahat at binati ang isa't-isa.

"Claire!" Napalingon ako sa tumawag sa akin at napailing nalang ako at napangiti nang makitang si Maize yun.

Natawa pa ako dahil hirap na hirap siyang hilahin pataas ang gown niya habang palapit sa akin

"Picture tayo" pinakita niya sa akin ang cellphone niya, tumango ako bilang pagpayag.

Lumingon lingon siya sa paligid namon para siguro maghanap ng kukuha ng litrato nang tumama ang mata niya kay Timothy na nasa tabi ko pa rin

"Hello, Timothy! Pwede papicturan kami ni Claire?" Hindi pa pumapayag si Timothy ay iniabot niya na agad dito ang phone niya at tumabi sa akin.

Napakamot nalang ng ulo yung isa at wala nang nagawa kundi kuhanan kami ng litrato. Pagkatapos ng ilang shots ay nasatisfied na rin si Maize.

"Salamat, Timothy" lalapit na sana siya sa iba pa naming kaklase pero napahinto siya ng biglang iabot sa kanya ni Timothy ang cellphone nito

"Anong gagawin ko jan?" Inosente niyang tanong

"Take a picture of us too" nakangiting utos ni Timothy. Katulad ng ginawa ni Maize ay binigay niya lang ang phone niya dito at pumwesto na sa tabi ko kahit hindi pa naman pumapayag si Maiz

"Smile, Claire" ngumiti ako sa camera tulad ng sinabi ni Timothy.

Mas maraming shots ang kinuha ngayon kaya feeling ko namanhid na bigla ang panga ko sa kakangiti.

"Sige, punta na ako sa mga kaklase nating iba" paalam ni Maize matapos niyang ibalik kay Timothy yung cellphone, nagpasalamat lang kami at sabay na tinignan ang mga kuhang litrato.

"These pictures look nice. Bagay talaga tayo" umirap nalang ako dahil sa sinabi niya. Ginawa niyang wallpaper yung isang picture kung saan nakatingin siya sa akin samantalang ako naman ay nakatingin sa camera

"Bakit yan? Dapat yung nakatingin ka rin" pamimilit ko sa kanya. Bakit naman kasi yun yung gusto niya eh hindi nga siya nakaharap sa camera

Hindi niya lang ako pinansin at nagpatuloy lang sa pagtingin sa mga pictures kaya hindi nalang ako nangulit.

"Send mo sa akin" inilabas ko ang phone ko para masend niya na sa akin ang mga pictures.

"Okay, dapat iwallpaper mo din 'to, aight?" Kinuha niya ang phone sa kamay ko at akala ko magsesend na siya pero nagulat ako ng bigla niya yung itinaas.

Tumingin ako dun at kumunot ang noo ko ng makitang nakaopen ang front cam

"Selfie tayo" kumindat pa siya bago umakbay sa akin para mas mapalapit kami at nagpose sa camera

Napangiti nalang ako sa kanya at nagpose rin sa camera. Sinend niya ang mga pictures sa phone niya bago siya nagsend sa akin

Nang ibinalik niya ang cellphone ko ay titignan ko na sana ang mga pictures ng biglang tumunog ito

Labyrinth of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon