Chapter 23

486 43 18
                                    


Nagulat talaga ako nang bigla na akong pansinin ni Timothy, at the same time ay nakahinga ako ng maluwag dahil mabuti naman ay pinapansin niya na 'ko which means hindi na siya galit.

Naglalakad kami ngayon papunta sa garden, kung saan dun din kami kumain kahapon. I'd like to think that it's our spot.

I smiled at what I thought.

Our spot

Natigil ako sa pag-iisip nang mabangga nanaman ako sa likod ni Timothy dahil sa biglang paghinto niya, nasa unahan ko kasi siya.

Seriously? Bakit ngayong araw ay kanina pa ako nababangga sa kanya?

Hinimas ko ang noo ko dahil medyo masakit yung pagkabangga ko. Para naman kasing pader sa tigas yung katawan ni Timothy, dati naman ay hindi yun ganun. Maybe he's been working out.

Naupo lang siya ng diretso sa mga damo na ikinakunot ng noo ko. Tinignan ko ang bag na dala niya, bago kami oumunta dito ay dumaan muna kami sa kotse niya para kunin yun.

"I forgot to bring a picnic blanket" sabi niya, siguro nakita niya ang pagtataka ko kung bakit sa damo siya umupo.

Nagkibit balikat nalang ako. Malinis naman ang damo dito kaya okay lang. Akmang uupo na ako ng itaas niya ang kamay niya para pigilan ako.

Hinubad niya ang jacket na suot niya at nilatag yun sa tabi niya. Tumingala siya sa akin at sinenyasan akong maupo dun.

Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang ngiti. I feel gidy for what he did but I won't let him notice that.

Naupo ako sa tabi niya at tulad kahapon ay sabay kaming kumain. Naging tahimik ang lunch namin pero hindi tulad kanina ay naging komportable na ako ngayon sa katahimikan, siguro dahil alam kong hindi na siya galit

Bumalik rin kaagad kami sa event hall para sa isa pang round ng practice at pagkatapos nun ay inayusan na kaming lahat para sa show.

Naunang ayusan yung mga mauuna at since last na kami ni Timothy ay huli kaming inayusan.

Ilang beses sa akin nagtext sila Shane na nasa hall na daw sila at nasa harap daw sila nakaupo. Tumawag din sila Mom na nandito na sila. Mabuti nalang ay may mga reserved seats para sa mga parents kaya hindi sila nahirapan maghanap ng upuan. Gusto pa sana nilang puntahan ako sa backstage pero hindi naman pwede.

By 6 pm ay nagsimula na ang show at patapos na rin kaming ayusan lahat.

Professional ang lahat ng make-up artist na nag-ayos sa amin. Tinulungan rin nila kaming isuot yung gown at suit para sa mga lalaki. Ang mga professors naman ay hands on sa pagche-check sa amin.

My hair was tied into a messy bun and they just put light make up on my face just enough to  highlight my features. Napangiti pa ako ng biglang sabihin ng make-up artist sa akin na hindi ko na daw kailangan lagyan ng make-up dahil maganda na daw ako.

As if I'm gonna believe her...or him

"Honey,can take this off" tinuro niya ang bracelet ko, yung bracelet na bigay sa akin ni Timothy.

Honey ang tawag niya sa aming lahat, ganun siguro talaga sila, sadyang sweet sa mga minimake-up-an nila.

Tinignan ko ang bracelet at agad umiling sa kanya.

"Bakit po?" tanong ko. Hindi naman siya bad combination sa gown dahil silver naman ang kulay.

"I just think this one looks better with that gown" ipinakita niya sa akin ang bracelet na nakalagay pa sa isang box. I looked at it carefully, well I have to admit that it's really beautiful. At sa tingin ko rin ay babagay nga siya sa gown na suot ko ngayon. But...

Labyrinth of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon