Chapter 57

254 30 4
                                    

Pagdating ng hapon ay umalis si Timothy para daw sa presscon niya. Nagbilin siya sa akin na huwag daw muna akong lalabas at kahit magbukas ng television o kahit mag open ng social media accounts.

Hindi rin naman na ako interesadong gawin yun dahil alam kong hindi lang maganda ang mababasa at makikita ko.

Kaya ang ginawa ko nalang ay tinawagan sila Steph at Shane. Alam kong nag aalala na rin sila. Nakita ko sa phone ko na nakailang missed calls and messages na sila pero hindi na ako nag atubiling basahin yun at agad nalang silang tinawagan.

Unang ring palang ay sumagot na kaagad si Steph sa tawag ko

(Hello, Claire? Gosh! Where are you?! Bakti hindi ka namin macontact? Alam mo ba yung nangyayari?) sunod sunod niyang tanong sa akin

Hinayaan ko muna siyang matapos bago ako nagsalita

"I'm at our house. Are you with Shane?"  naririnig ko kasi ang boses ni Shane sa background

Gusto ko silang papuntahin dito para may makausap ako

(Yes, pupunta kami jan agad. May mga dapat kang sabihin sa amin) seryosong sabi ni Steph sa akin. Pumayag naman ako at maya-maya lang rin ay dumating na sila

Seryosong si Steph habang nakacross arms at nakaupo sa sofa, habang si Shane naman sa tabi niya ay nakapout na nakatingin sa akin, si Maize naman ay halatang naghihintay lang ng sasabihin ko

"Kumusta?" I awkwardly started

Kumunot ang noo nilang tatlo kaya kinabahan ako. I know that I am in for a deep explaining

"Kami pa ang tinatanong mo niyan? Ikaw, saan ka napadpad ng lagpas isang linggo?Alam mo ba yung nangyayari dito?" si Steph na seryoso pa rin, sa kanilang lahat sa kanya ako pinakakinakabahan

"Kasama mo ba si Timothy kaya ka nawala? Clairey naman, how come hindi ka nagsasabi sa amin?" si Shane na kahit nagtatampo ang boses ay alam kong seryoso na rin

Tinignan ko si Maize para sa sasabihin niya pero nagkibit lang siya ng balikat

Nang natapos na lahat ng tanong nila ay bago ako nagsalita para sagutin yun isa isa

"First of all, hindi ko naman ini-expect na aabot sa ganito. Whether you believe it or not, ayoko na talaga iinvolve ang sarili ko kay Timothy in a way that's more that him being my artist, kung meron man siguro pagkakaibigan nalang. I already told you a countless of times that I already moved on, well that's what I've thought. Weeks before the ball, while we were both making his suit, I started to feel things for him again, things I know that I shouldn't feel. Lalo na't alam kong sila ni Lia" I stopped for a while and just stared at them, at their reaction, before continuing

"Then I learned that he's not with Lia, he never was" bumaba ang boses ko, naalala yung panahong nalaman ko yung totoo. Na kahit sobra kong tinago, nakaramdam ako ng saya, ng relief

"Kaya naging kayo ulit? Clairey, paano naman si Lake?" tanong ni Shane, kumunot ang noo ko sa tanong niya

I remembered that Timothy also asked me this when we were at Tierra Cielo, nung nag usap kami sa Lighthouse, he asked me if there's something going on between me and Lake.

"Hindi naging kami ulit, kasi hindi lang naman dahil kay Lia kung bakit nawala yung kung anong meron sa amin ni Timothy. And about Lake, hindi naging kami ni naging kami ni Lake, but to tell you honestly. Yes, I tried to give him a chance. And I learned to love him, at kung tinanong niya ako dati, kahit nung bumalik na si Timothy, I would've said yes" unti unting nakaramdam ako ng guilt

Yes, I love Lake.

He made me feel happy and he made my heart pound a countless of times.

He was the reason why I thought I got over Timothy.

Labyrinth of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon