Chapter 45

405 28 5
                                    


Parang pelikula na nanonood lahat sa kanilang dalawa, na mistulang bida sa storya.

Nang nasa harap na ni Timothy si Lia ay ginulo niya ang buhok nito na ikinatawa naman ng huli, pagkatapos nun ay sabay silang naglakad papunta sa isang sulok at doon sila nag-usap habang nagtatawanan.

Umiwas ako ng tingin at nagfocus sa pagkakalikot ng phone ko.

Itetext ko nalang sila Shane para sa plano mamaya.

Bumigat bigla ang dibdib ko lalo na ng marinig ko ang mga hagikgikan ng mga tao sa paligid at mga bulungan nila kung gaano sila kinikilig sa dalawa.

Naramdaman kong nakatingin sa akin ang members ng S.Rain kaya inangat ko ang tingin ko galing sa phone.

"Tinext ko na sila Shane pero di pa sila nagrereply, busu siguro" nakangiti at normal kong sabi sa kanila

Hindi ko alam pero napansin kong parang nakahinga silang lahat ng maluwag. Siguro iniisip nila na hindi ko nakita yung eksenang nangyari kanina.

Tss kahit naman nakita ko talaga ay wala lang naman yun sa akin.

"S.Rain, stand by na, any minute ay tatawagin na kayo" announce ng isang staff na may hawak na mga papel at natatarantang umiikot sa backstage

Tumayo naman kaagad ang S.Rain at pati na ako, lumapit ang kanya kanya nilang assigned stylist sa kanila at niretouch muna sila.

Inilibot ko ang paningin ko para tignan yung pwesto nila Timothy kanina pero wala na sila dun.

Well, siguro naman sphindi niya na kailangan ng retouch.

Lumayo muna ako sa S.Rain at umupo sa tabi ni Jim. Sa kanya muna ako makikipag-usap habang iniinterview ang S.Rain.

Sa may harap ng isang screen siya nakapwesto na pinapakita yung nangyayari sa harap ng stage, kaya napapanood namin kung anong ganap.

Hindi rin nagtagal ay tinawag na ng host ang S.Rain at sabay sabay naman silang lumabas.

Pagkatapak na pagkatapak nila sa stage ay sabay sabay silang nagbow at nagpakilala.

Katulad ng ibang interview ay kinumusta muna sila ng host at tinanong tungkol sa naging world tour nila, si Timothy ang sumagot

Natanggal ang mata ko sa screen at napunta sa kay Lia na nanonood din sa isa pang screen, naabutan ko siyang nakangiti.

I wonder what she's thinking. Maybe she's so proud of Timothy right now. Kahit ako rin naman, kung ako ang nasa posisyon niya.

Pinilig ko ang ulo ko dahil sa naisip ko. I should stop of thinkinbg things that are impossible to happen now. I've moved on and I should keep that in mind.

"Okay ka lang?" Tanong ni Jim sa akin na nagpalingon sa akin sa kanya.

Ngumiti ako at tumango bilang sagot.

Nahiya ako bigla, I must really look like a weirdo right now.

"And we have a special guest for you! Let us call on, Miss Lia Javier!" Nabalik ang tingin ko sa screen dahil sa narinig kong in-annpunce ng host. Instinctively ay lumingon ulit ako sa pwesto kanina ni Lia pero wala na siya dun, at pagtingin ko sa screen ay nasa harap na pala siya ng stage.

Ngumiti siya sa mga audience at nagbesp sa host at pati na rin sa S.Rain. Nang ginawa niya yun kay Timothy at nang umupo siya sa tabi nito ay naghiwayan ang lahat, maski ang host ay inasar din sila bagi tumikhim.

So that's why she's here. She's also part of the interview, and why wouldn't she? She's with the S.Rain anyways throughout their world tour.

"Good day, Lia" bati sa kanya ng host

Labyrinth of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon