Chapter 49

377 34 10
                                    

Fight

Natuloy pa rin ang lakad namin ni Lake kahit gabi na, we just drove around and ate whenever we felt like it. Hindi rin siya nagtanong kung bakit ako nalate kahit pinractice ko na ang sasabihin ko sa kanya

I'll just tell him that I accompanied Timothy on his photoshoot and I didn't noticed that we finished late. So in short, I'll just tell him the truth. I don't need to hide anything from him.

Days after that, I continued being Timothy's stylist. Everything's going well, hmm aside from the obvious attempt of Timothy of making it harder for me.

I don't even know why he's doing that.

Noong una akala ko ganun lang talaga siya pero habang tumatagal ay nagiging halata na sinasadya niyang pahirapan ko.

For one, he's constantly ordering me things that is not really part of my job. Just like today, he asked me to buy them coffee at the starbucks near the building.

This is supposed to be Jim's job but he told me to do it anyway because he needs Jim to do something for him.

"One white chocolate mocha and Ice hazelnut macchiato" I ordered and checked board, maybe I should order one for myself too

Pumili ako kung anong oorderin ko

"And also pumpkin spice latte. All for take out" paghabol ko. Sinabi ko na rin ang names na ilalagay.

Binayaran ko agad ang order at naupo para naghintay.

Nayayamot ako dahil ginagawa akong utusan ni Timothy. Hindi lang yun, pinapahirapan niya rin ako sa pag-aayus sa kanya.

Pina-onleave niya ang make up artist niya dahil ako na daw ang bahala roon. Tapos pinapahirapan niya rin ako sa mga damit napinapasuot ko sa kanya. Ilang beses siyang nagrereklamo na ayaw niya raw or hindi niya type ng mga style kaya ang labas ay sobrang natatagalan kami, at ang pinakanakakainis dun. He always end up wearing the first clothes that I picked! Lagi niyang sinasabi na mas okay na daw yun kaysa sa iba. Edi dapat sinabi niya pa una palang para naman hindi na kami nagpakahirap pang naghanap ng iba.

And the most frustrating thing is his complains, or he would like to call it 'suggestions', for his suit in the upcoming ball.

I already started designing it and last month, I asked for his opinions and suggestions so that I can change it in the way he want. He told me that it's all up to me and I can decide on everything, so I did.

Last week I finished the design so I showed it to him right away. I thought there will be no problem since he told me that I can decide on everything. But then when I showed it to him, he made many side remarks and comments about the design. He asked me to make so many changes that it's like I have to start all over again!

Maiintindihan ko sana kung dati niya pa sinabi yun, nung tinanong ko palang siya kung anong gusto niyang mangyari sa suit. Pero hindi eh, bago siya nagsabi nung tapos ko na ang design, tuloy ay kailangan ko pang umulit mula sa umpisa.

Everyday ay lagi niya rin akong sinasama kung saan saan, ayaw niyang umalis ako sa tabi niya incase daw na kailanganin niya ako. Kahit iihi ay kailangan kasama pa ako! Pinapaantay niya lang ako sa labas.

Like, what the heck?!

Paanong kakailanganin niya ako sa banyo? Does he need my help zipping up his zipper!?

Mabuti na nga lang ay hinayaan niya akong umalis ngayon, though inutusan niya lang ako, okay pa rin yun. Pumunta kasi si Lia sa dressing room niya at nag-usap sila kaya niya siguro ako pinaalis para may privacy sila, kunwari lang inutusan niya akong bumili ng coffee. Tsk, sana lagi nalang silang magkasama para makawala na ako sa pagpapahirap ni Timothy.

Labyrinth of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon