Chapter 2

790 55 9
                                    

We were preparing for the dinner when Lake entered our house. Nasa kusina ako pero rinig na rinig ko ang sigaw niya galing sa sala.

"Yan na yung boyfriend mo" may pang-aasar na sabi ni Kuya kaya hinampas ko kaagad siya

"Hindi ko nga boyfriend si Lake..." bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay bigla ng pumasok si Lake sa kusina at nag-high five kay Kuya.

"Narinig ko ang gwapo kong pangalan ah. Pinag-uusapan niyo ba ako?" inakbayan niya ako kaya tinanggal ko kaagad yun at lumayo sa kanya. Tss kaya kami napagkakamalan ni Kuya.

"Feeling mo. Bakit pala ang aga mo? 6 pm palang, ang sabi ko ay 7 pm kayo pumunta" nilapag ko sa mesa yung huling putahe at pumunta na ako sa sala para hintayin yung iba. Sumunod naman sa akin si Lake samantalang si Kuya ay umakyat sa kwarto niya para daw magbihis.

"Gusto ko ako yung unang makakita ng gawa mo. Lika na bilis pakita mo na sa akin" hinila hila niya ako paakyat sa hagdan pero hindi ko siya pinagbigyan at naupo lang sa sofa.

"Mamaya na. Nga pala kamusta kanina?Nalate ka ba?" ngumuso lang siya dahil sa hindi ko pagpayag sa gusto niya at naupo siya sa tabi ko

"Pinakilala lang kami sa S.Rain and that's it. Dapat nga hinatid nalang kita"

"Why?" Tanong ko sa kanya, suddenly attentive sa kung anong sasabihin niya sa nangyari

"Sumayaw lang naman sila tapos kulang pa sila kaya hindi ko rin masyadong na-enjoy"

Kulang?

Wag mo sabihing nakita ko talaga si Timothy kanina kaya wala siya dun? Pero bakit naman siya hindi aattend sa first class niya?

Wait, I'm not even sure kung siya nga yung wala.

"Sino yung kulang at bakit daw?" Paniniguro ko pero hindi ko pinahalata sa boses ko na interesado talaga ako. I just tried to say it as if I just want to talk about something.

"Si Timothy. Kilala mo ba yun?Siya yung main vocal nila" I awkwardly smiled when he looked at me.

So, si Timothy pala talaga yung nakita ko.

Kahit nagtataka ako kung bakit ay hindi ko na tinanong si Lake at iniba ko na ang topic para maiwasan ang pagsagot sa tanong niya.

"Kumusta pala yung midterms niyo?"

Kung sa amin kasi ay kailangan namin gumawa ng output, sila naman ay maghe-held ng concert. Buong department nila yun kaya pinaghandaan talaga.

"Nakakapagod sa training at practice but I know that it'll be all worth it" nagulat ako ng bigla niyang sinandal sa balikat ko ang ulo niya pero hinayaan ko lang siya

"Well, sabi mo nga magaling ka naman kaya kaya mo na yan" may halong pang-aasar ko sa kanya. Tinaas ko pa ang balikat ko kaya medyo nagbounce yung ulo niya na ikinatawa ko.

"Hoy ano yan!" napatayo agad ako at lumayo kay Lake na parang may ginawa akong kasalanan nang marinig ko ang sigaw nila Shane sa likod.

Tawang-tawa naman sila sa reaction ko, may pahampas-hampas pa sila sa sandalan ng sofa.

Umirap nalang ako at bumalik sa pagkakaupo ko. Bakit ko ba naging kaibigan ang mga 'to? Mga baliw.

"Kayo ha~" umupo sa tabi ko si Shane at siniksik ako kay Lake, si Eros naman ay naupo sa tabi ni Lake kaya na sandwich kaming dalawa sa gitna nila.

Mukhang tuwang-tuwa naman si Lake dahil imbis na umalis ay inakbayan niya pa ako kaya kahit gustuhin kong ako nalang ang lumipat ay hindi ko magawa.

"Ang sweet sweet niyo naman Clairey! Yung totoo, may nililihim ba kayo sa amin?"

"Wala!" I answered too defensively kaya naman mas sumingkit ang mata ni Shane na para bang naghihinala na talaga siya kaya mas binabuti kong baguhin na ang pinag-uusapan.

Labyrinth of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon