Chapter 46

396 30 9
                                    

I stirred on my sleep when I felt someone watching me.

May nabasa ako dati na kapag may tumitingin daw sa'yo, malakas yung tendency na makagising ka.Hindi ko alam kung paano nangyayari yun, maybe it's just the system's wariness and alertness.

Akala ko yun yung dahilan ng pagkagising ko pero pagmulat ko ng mata ko ay wala naman akong naabutan na nanonood sa akin. Tinignan ko si Timothy at tulog pa rin siya sa higaan niya.

Medyo inaantok pa na bumangon ako. Naalimpungatan na ako kaya hindi na ako makakatulog pa. Tinignan ko ang oras, it's already 3:30 pm. Halos tatlong oras din pala akong nakatulog.

Inipit ko ang buhok ko sa likod ng tenga ko at tumayo na sa sofa bed bago yun inayos.

Nice, ang first day ko inubos ko lang halos sa pagtulog.

Sinulyapan ko ulit si Timothy pero tulog na tulog talaga, siguro sobrang pagod dahil kakauwi lang nila kaninang umaga tapos nag-interview agad sila.

Naalala ko nanaman tuloy ulit yung interview kanina. He and Lia seems so happy. Tama lang yung naging desisyon ko na tigilan yung sa amin.

Natawa nalang ako ng mahina ng biglang nagplay sa isip ko yung 'Let me be the One' na kanta.

I remember the lyrics goes

Let me be the one to break it up so you don't have to make excuses

And indeed he didn't need any. Mas pinadali ng desisyon ko yung nangyari para sa aming dalawa. Siya, hindi na kinailangan mag-explain sa akin na he found someone else that is living in the same world as him. At ako naman, hindi na ako umasa pa and it saved me from more pain.

Natigil ako sa pag-iisip ng gumalaw si Timothy sa pagkakahiga, at dahil nakaharap siya sa akin banda, pagmulat ng mata niya ay nagtama agad ang paningin namin

Una akong umiwas ng tingin at nagkunwaring may aayusin sa table. Nakita ko naman sa peripheral ko na bumangon na siya at ginulo ang magulo niya ng buhok.

Tumigil ako sa ginagawa ko nang marealize ko na buong araw nalang halos ako nagpapanggap na may ginagawa para lang makaiwas na makausap siya. I know that it wouldn't do me any good, mas naapatagal lang yung uneasiness na pakiramdam ko

What if I talk to him now?

Pero may kailangan bang pag-usapan?

Wala naman na dapat but I can feel the tension between us so that is a reason. We need to talk to get rid of that tension. Magbobonding kaming lahat mamaya after ng halos isang taon, and I think we should enjoy it to the fullest, without something holding us back. At ayokong maging kami yun ni Timothy.

"Tim--"

"Clai--"

Lumingon ako sa kanya at nagsalita pero parehas kamin napatigil nang nagsabay kami.

Tumikhim ako at pinilit na tignan siya ng diretso sa mata.

"Ikaw muna" I told him, tumango naman siya at ginulo ang brown niyang buhok bago nagsimula

"I'm just wondering if you can design a suit for me for the YRL ball next next month"

I felt a pang of disappointment dahil sa sinabi niya.

Wala namang mali sa sinabi niya, I was just expecting something else.

Inisip ko lang kanina ang sasabihin niya. Akala ko baka gusto niya ring ayusin yung sa amin. Maybe he also want us to talk for closure. Alam ko kasi sa sarili ko na mahihirapan akong buksan yung topic at mas maganda sana kung siya na yung magsisimula.

Labyrinth of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon