Chapter 28

556 46 24
                                    

Pagkatapos naming mag-usap ni Timothy ay nagpaalam na ako sa kanya. Kailangan ko kasing sumama na ihatid sa airport si Kuya Paris dahil ngayon na ang alis niya. Nakakalungkot nga na saglit lang siya pero iniisip ko nalang na kami naman ang pupunta sa kanya sa susunod.

Umuwi muna ako sa bahay bago kami pumunta ng airport.

Sinabi ko na rin sa kanila yung good news na isasama sa isang sikat na fashion show ang 'Atlantis' ko, para marinig rin ni Kuya Paris bago siya umalis, at sobrang proud na proud ulit sila. Nanghinayang lang si Kuya Paris dahil hindi raw siya makakanood.m

Sobrang daming bilin nila Mom at Dad kay Kuya nang nasa airport na kami, parang hindi naman kami pupunta dun sa Christmas para magbakasyon kung makabilin sila.

"Ikaw, princess, huwag ka munang magla-lovelife ha. Hintayin mo munang bumalik ako" mahina kong hinampas si Kuya sa braso niya dahil sa snabi niya pero tinawanan niya lang ako at pinaalalang seryoso siya sa sinabi niya

Para namang nag-iisip na akong magboyfriend

Hindi ba?

Pinaalis ko ang parte na nagtanong nun sa isip ko, dahil baka mahalata pa ni Kuya Paris na nagdadalawang isip ako.

"Huwag kang mag-alala Kuya Paris, bantay sarado ko yang si Claire" tinignan ko ng masama si Kuya Leander dahil sa sinabi niya.

Bantay sarado raw pero tumulong pa nga siya kay Lake dun sa pakulo nila. Kapag nalaman yun ni Kuya Paris siguradong lagot siya, ayaw ko lang sabihin dahil baka malagot din ako eh.

"Ikaw munang bahala dito sa bunso natin" yan ang huling sinabi ni Kuya Paris bago siya nagpaalam sa amin at pumasok na sa departure area.

Siniko ko si Kuya Leander nang mawala na sa paningin namin si Kuya Paris. Nareklamo naman siya sa ginawa ko pero hindi ko siya pinansin.

May dala siyang kotse niya kaya nagpaalam siya sa amin agad na may gagawin pa daw siya sa school niya, apparently ay sumama lang talaga siya para ihatid si Kuya Paris at asarin ako.

Sumama ako kila Mommy pabalik sa bahay pero umalis din sila agad ni Dad dahil titignan daw nila yung place kung saan itatayo nila ang expansion ng company namin. Gusto kasi nilang magkaroon din ng company dito sa Manila at iyon ang ima-manage ni Kuya Leander. Though hindi pa sure kung ganun talaga dahil pwede pa silang magpalit dahil hindi pa naman naaayos. I know it's odd na nagsimula kami sa Lucena, kung saan kami totoong nakatira, bago dito sa Manila pero mas gusto kasi nila dun.

Ang plano nila ay ipapahandle nila kay Kuya Leander ang company dito sa Manila at yung sa main naman sa Lucena ay si Kuya Paris ang hahawak, gusto pa nga sana nilang meron din ako kaso tumanggi ako at sinabing yung resort nalang namin ang kukunin ko, and they happily obliged.

Tinignan ko ang oras at nagdesisyon na magpalit na ng damit. 3:00 pm na kasi at ang usapan namin ni Lake ay susunduin niya ako ng 4:30 pm. Naligo ako ulit at pinili ang longsleeved v-neck white shirt ko at ipinares ko yun sa maong kong palda, simple lang dahil sa mall lang naman kami pupunta ni Lake.

Habang hinihintay siya ay pumunta muna ako sa studio at nagdesign ng damit na balak kong ibigay sa kanya, yun kasi ang naisip kong paraan para makabawi sa kanya. Para atleast kahit hindi siya ang naging model ko, meron namang para sa kanya talaga.

Nasa kalagitnaan ako ng paglalagay ng mga details ng kumatok ang isa sa mga maid namin para sabihing nasa baba na si Lake. Nagpasalamat ako sa kanya at sumabay na sa kanyang bumaba.

When I'm finally downstairs I saw Lake leaning at the back of our sofa while looking at his phone. His wearing a black shirt topped with a denim jacket, a sneakers and a black pants. Simple lang din tulad ng suot ko.

Labyrinth of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon