Chapter 1

2.3K 39 7
                                    

"Dareeeeen! waittt!!" paghahabol ko sa kanya kahit pinagtitinginan na kami ng mga tao sa paligid.

Huhuhuhu. Kinakabahan na ako sa kapalaran ko. Paano na to?

Naiiyak na ako! Gusto ko ng umiyak! Gusto ko ng sumuko! Pero kapag naaalala ko yung mga pangarap ng mga kapatid ko parang gusto ko pang lumaban kahit pagod na pagod na ako!

"Wait lang naman oh! Wag mo namang gawin sakin to oh!" Patuloy sa pag-agos ang luha ko habang nagmamaka-awa sa kanya na wag makipaghiwalay saken.

"May makikick-out na naman ata"

"Diba kakakick-out lang kay Shanah?"

"Jeez, may magbebreak na naman ata"

"Kawawa naman sya, kick-out na repeater pa! Tsk tsk!"

Wala akong pakealam sa mga bulung-bulungan sa paligid ko. Wala na akong dignidad, kung wala man! Ang mahalaga sa akin ay ang wag akong hiwalayan ni Darren. 'Sya na lang ang pag-asa ko para maka-graduate ako! 4th year na kami, sayang naman kung uulit pa ako sa ibang school dahil lang sa nakipag-break sya sakin.

"What again, Allerice? I told you we're done." at tinalikuran nya ako.

Napaluhod ako sa sakit, sa lahat-lahat.

"Dahil ba don?" nagsusumamong tanong ko kaya't napahinto sya pero nanatiling nakatalikod sa akin.

"No. It's just... I don't want 'Us' anymore..." at umalis na sya habang nananatili akong nakaluhod at umiiyak na parang walang mga nakikiusisa sa paligid ko.

... siguro di talaga ako yung makakapag-angat samin sa kahirapan...

"Tabi! What's happening here?!" boses iyon ng Principal ng paaralang ito.

Mukang katapusan ko na. Hays.

Tumayo ako at pinunasan ang luha sa aking pisngi. Siguro muka na akong tanga, namumugtong mata, kalat na mascara. Hays, kawawa naman ako.

"What happened to you?" tanong ni Principal Bisley.

Lalo lang pumatak ang luha ko.

"Everyone, go back to your rooms!" utos nya at lahat ng nakikiusisa kanina ay nagtakbuhan papunta sa mga room nila.

Naiwan kaming dalawa ni Principal Bisley dito.

"K-kick out n-na p-po ako..." nanghihinang sabi ko habang patuloy sa pagpatak ang luha ko.

Wala na akong magagawa, wala na si Darren. Iniwan na nya ako, mag-isa na lang ako. Aalis na sya, pupunta na sya sa ibang bansa, okay lang sa kanya kahit umulit sya doon, mayaman sila eh. Samantalang ako, wala naman kaming pera para gawin yung kagaya ng ginagawa nila.

"Okay. Gaano ba kahalaga sa'yo ang makapag-tapos?" tanong nya kaya napaangat ako ng tingin sa kanya.

"S-sobrang halaga po... A-ako na l-lang ang inaasahan n-ng mga magulang at k-kapatid ko..."

"Alright, I'll give you one week. Kapag wala ka pa ring nakukuha na kapalit, i'm sorry but... rules are rules." at umalis na sya.

Nanlulumo pa rin akong naglakad pauwi. Ayoko na! Wala nakong magagawa! Saan naman ako makakahanap ng lalaking pamalit sa loob ng one week?

Di naman ako ganun ka-ganda eh. Hays.

Naglakad ako pauwi sa apartment namin, nadatnan kong nag-aantay sa pintuan ang dalawa kong nakababatang kapatid.

"Ate Alleeey!" masayang salubong nila sakin.

Agad akong ngumiti at sinalubong sila ng yakap. Nalulungkot ako para sa kanila, kasalanan ko to. Bakit ba kasi hindi ko binigay ang gusto ni Darren? Bat ba kasi ako umarte? Kasalanan ko bang hindi ako dumihing babae?

"Ate Alley kamusta po school?" tanong ni Abreu.

Tatlo kaming magkakapatid, ako ang panganay at kambal silang dalawa. Sina Abreu at Ambrea. 7 years old pa lang silang dalawa. Si Mama naman ay nagtatrabaho sa isang pabrika. Bata pa lang ang mga kapatid ko, pero marunong na sila sa bahay kaya't naiiwanan na.

Si Papa naman... wala na si Papa, iniwan na kami ni Papa. Ang balita ko, may pamilya na daw syang bago eh. Mayaman ang pinalit ni Papa kay Mama. Nag-asawa ulit sya ng bago, kung saan iaangat sya sa stado ng buhay.

"Ayos lang. Eh kayo? Okay lang ba kayo ditong dalawa?" tanong ko.

"Opo! Si Ambrea Ate inubusan ako ng tinapay!" sumbong sa akin ni Abreu.

Mapait akong napangiti.

"Ganun ba? Edi bumili ulit kayo." kinapa ko ang bulsa ko at may nakapa akong barya.

Sakto pa siguro to pambili ng tinapay nilang dalawa.

"Talaga ate?! May pambili ka?!" halata sa boses nila ang kasiyahan.

Dahil sa kanila kaya pinagtyatyagaan ko pa lalo. Scholar ako, pero walang saysay iyon dahil nakipag-break si Darren saken. Kahit kailan hindi ko 'sya ginamit para umangat sa buhay, kahit kailan hindi ko sya hiningan ng pera. Ganito ang buhay namin, pero hindi ako kagaya ng iba.

Malas ko lang siguro. Nakapasok ako sa paaralan na yon dahil sa kanya, tinulungan nya akong makapag-aral sa paaralan na iyon. Simula 1st year hanggang 4th year magkasama kami.

Pero nabago lahat kanina, hindi ko alam kung bakit. Nag-iba na lang lahat, eh. Pinigilan kong lumuha ulit sa harapan ng mga kapatid ko. Kailangan kong maging malakas sa harapan nila. Kailangan ko.

"Ate, halika na?" at nanguna sila sa paglalakad.

Sumunod ako sa kanila papunta sa tindahan.

"Anong gusto nyo dyan? Kuha na kayo." at masaya silang dumampot ng tig-isang balot ng tinapay.

"Eto po bayad." abot ko sa natitirang barya sa bulsa ko.

"Oy Alley!" napalingon ulit ako sa tindahan.

"Bakit ho Aling Esang?" tanong ko.

"Paki-sabi sa Mama mo yung bayad sa mga utang nyo sakin, ah? Aba'y malulugi ako nyan."

"Sige po."

Bagsak ang balikat na naglakad ako pabalik sa bahay na inuupahan namin.

May nadaanan din akong poste na may nakadikit na poster.

Wanted: Hair model

We are hiring a lovely person with smooth, shiny long hair. If you are interested please call/text this no.

#0908 638 3618

Maraming nagsasabi sa akin na maganda ang buhok ko, mahaba daw at malambot. Pero muka naman atang imposible dahil hindi naman ako maganda. Pero buhok ang imomodel eh?

Kahit papano nakaisip ako ng paraan. Wala na akong pakealam sa kahit na ano. Ang mahalaga ay mabuhay kami.

Sinave ko ang number at nagpatuloy sa paglalakad.

Kung makatutulong ito sa pamilya ko, edi go! Wala ng arte-arte pa! Kailangan kong magtrabaho.

-

Romance HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon