Chapter 9

1K 24 0
                                        

Allerice Aguiar's POV

Naka-uwi ako sa amin ng maayos. Sobrang busog ko na rin dahil sa eat all you can pala akong restaurant dinala ni Zian. Nakaka-tawa nga daw ako dahil napaka-lakas ko daw kumain.

Psh. Hindi lang talaga ako pabebe kumain. 'Pag gutom ako, lalamon talaga ako.

Pumasok ako ng bahay na nanlalata.

"Urgh! Kapagod! Abreu! Ambrea! Nandito na ko!" sigaw ko.

"Ate Alley!" masiglang bati ni Ambrea sa akin kaya kahit pagod ako ay nginitian ko siya.

Pero nawala ang ngiti ko matapos mapagtanto kung sino ang kasama nila.

Agad na rumehistro sa akin ang lahat ng dinulot 'nya. Simula sa pang-iiwan niya, sa mga ginawa niya at sa naging resulta sa naging buhay ko ngayon.

Ang kapal naman ng muka ni Darren at nagpakita pa siya ngayon.

"Allerice." tatayo sana siya at lalapit pero inunahan ko na siya.

"Umalis ka na. Parang awa mo na Darren umalis ka na bago pa may mangyare at mas makagulo ka pa." pilit kong pinapatabang ang pagkakasabi ko pero ang hirap lang.

Kusang bumabalik sa akin ang lahat at piling ko pinagmumuka akong kawawa na kusang nanunubig ang mga mata ko pero nasa harapan ko ang mga kapatid ko kaya't tinatangka ko pa rin pigilan kahit ang hirap hirap.

Ang sakit-sakit kasi. Bakit bumalik siya dito? Para saan pa, di'ba? Akala ko ba aalis na siya? Dun naman siya magaling eh. Ang tumakas.

"A-Alley I'm sorry." sinserong sabi niya pero gusto ko siyang tawanan.

Sorry daw. Ha-Ha.

Sorry daw pero ano? Sorry daw tapos ano? Sorry daw para san ulit? Sorry daw? Gago ba siya?

Mapait ko lang siyang nginitian pero sobrang hapdi na ng mata ko at malapit ng tumulo lahat ng luhang pinipigilan ko.

Darren, umalis ka na lang... nahihirapan ako na baka magmaka-awa ulit ako.

Lumapit siya sa'kin at nagulat ako sa biglaan niyang ginawa.

"Allerice... sorry kung hindi ko tinupad yung pangako ko, I-I was a fucking coward for leaving you there... I'm sorry."

Gumuho ang bakod na humaharang sa puso ko at tuluyang kumawala ang mga luha ko habang yakap-yakap niya.

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit masyado akong napamahal kay Darren. Hindi naman kasi talaga dapat eh. Hindi dapat dahil umpisa pa lang ako lang naman ang nagmamahal.

"B-bakit ka pa nags-sorry? B-bakit? I-iiwan mo n-na rin naman na t-talaga ako, d-di'ba?"

Para saan pa ang paghingi niya ng kapatawaran kung dadagdagan niya rin naman?

Mas okay kasi kung hindi na lang siya bumalik. Para isang sakitan na lang, hindi katulad ng ganito... mas nasasaktan lang ako.

"I-I shouldn't be the one explaining this to you... Alley, just-can you trust me? Please Alley, just trust me?"

Awtomatiko akong napahiwalay sa yakap matapos niyang sabihin iyon.

"I'm sorry din Darren p-pero hindi ko pa ata kaya... ilang beses ka bang nangako? I-Ilang beses rin ba akong n-nasaktan?" lumuluhang sabi ko at kitang-kita ko kung paano niya itinikom ang bibig niya na para bang nagpipigil siyang lumuha.


"Alley... Mahal kita."

Natulala ako sa kanya at pansamantalang natigil ang daloy ng luha sa pisngi ko.

Romance HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon