Allerice Aguiar's POV
Hindi nagfufunction sa utak ko ng tama ang nakikita ko.
Si mama puro dugo ang damit.
Hindi ko alam kung anong dapat isipin ng utak kong tama. Bakit siya puro dugo? At bakit nawawala ang mga kapatid ko?
"A-Alley anak..." mukang nagulat siyang makita ako.
Hindi ako makapagsalita dahil natatakot ako sa kanya.
Bakit nag-iba na si Mama? Ano ba talagang tinatago niya?
"T-tita, bakit po puro dugo yung damit 'nyo?" tanong ni Darren habang pilit pinapagaan ang loob ko.
Hindi makapagsalita si Mama.
Natatakot ako sa kanya, parang hindi ko na siya kilala.
"A-Alley... m-mali ang iniisip mo." tinangka niyang lumapit sakin pero lumayo ako.
"A-anak!" tumakbo ako palayo doon.
Hindi ko na kaya ang mga nangyayari. Tama na. Gusto ko na bumalik lahat sa dati.
Tumakbo ako hanggang makabalik sa bahay namin at doon binuhos lahat ng emosyon ko.
Bakit lahat ng 'to nararanasan ko sa edad ko? 17 pa lang ako pero bakit ganito na nangyayari sa buhay ko?
Maya-maya lang ay nakarinig ako ng mga katok sa pinto.
"Alley anak buksan mo 'to!" sigaw ni mama pero hindi ko siya pinapansin.
Natatakot talaga ako sa kanya.
"Alley? Buksan mo magusap kayo ng mama mo!" pilit rin ni Darren.
Hindi ko sila pinansin at nagtakip ng unan sa ulo.
Gusto ko lang naman grumaduate at maiahon sila sa hirap pero ang layo layo naman ng nangyayari ngayon sa gusto kong mangyari.
Patuloy ako sa pag-iyak habang iniisip ang kalagayan namin ngayon.
Nawawala na ang mga kapatid ko, si mama nagkakaganyan pa.
"Alley."
Hindi ko alam pero sa boses niya, dun nakuha ang atensyon ko.
Hindi pa kilala ni mama si Zian. Eto na ba? Mabubunyag na ba lahat ng sikreto ko?
Kahit na ganon, alam kong mas malaki naman ang sikreto sakin ni Mama.
Ang hirap talagang pakisamahan kagaya ng dati ang isang tao kapag alam mong marami ng tinatago sa'yo. Nakakalungkot na kahit si mama ganon.
"Open the door first. Do you think emoting there would solve this?" sa sinabi ni Zian naalis ko ang unan sa ulo ko.
Tama na naman siya.
Kapag ba nagdrama lang ako dito mas magiging okay ba ang sitwasyon? Hindi naman.
"Be wiser or regret it."
Pansamantala akong natahimik at ng maisip na tama lahat ng sinabi ni Zian, tumayo ako at hinanda ang sarili ko dahil alam kong hindi magiging isang normal na pag-uusap 'to sa aming dalawa ni mama.
Pagbukas ng pinto, bumungad sa akin ang napakalungkot at nanlulumong muka ni mama.
Naiiyak ako kapag nakikita siyang ganyan pero mas mahirap iwasan lahat ng masasamang ideya na namumuo sa utak ko.
Yumakap siya sa akin at umiyak ng umiyak.
Mukang nakaramdam sila Zian at Darren na kailangan namin ni mama ng oras para sa'ming dalawa lang para mag-usap.
BINABASA MO ANG
Romance High
RomanceIsang paaralan kung saan ang pagkakaroon ng 'lovelife' ay masyadong bigdeal. Hindi pwede ang nag-iisa, hindi pwede ang NBSB, hindi pwede kung wala kang partner. They believe that things are better when you have your 'partner'... duh? Pwedeng gawin...