Chapter 10

1K 20 0
                                        

Allerice Aguiar's POV

Naguguluhan ako hanggang gabi kay Darren. Bigla kasing may nag-text sa kanya kanina at halos mangatog na siya sa takot na halatang-halata sa muka niya at biglaang nagpaalam sa'kin.

Ang weird niya kanina hindi kinaya ng bangs ko.

Sa ngayon nakahiga lang ako habang nakatitig sa kisame namin. Tulog na sila Mama at ang mga kapatid ko.

Alas-onse na rin kasi ng gabi at ako na lang ang gising eh may pasok pa ako bukas.

Speaking of pasok...

Oh my god! Wala pa pala akong nakukuhang pamalit kay Darren! Tsk! Nakalimutan ko na ang tungkol don ah! Dapat pala humingi ako ng tulong kay Darren tch! Tutal siya naman ang may kasalanan ng lahat.

Busy ako sa pag-iisip kung anong gagawin ko dahil bukas ay Thursday na at sa Biyernes ay huling araw ko na sa Romance high at goodbye school na ako 'pag wala pa rin akong nahanap. Haynako! Nasstress ako sa school nayon!

Bigla akong napabalikwas nung tumunog ang cellphone ko.

"H-hello?" kinakabahang sabi ko dahil biglaang may tumawag sa akin.

[Alley.] boses pa lang alam ko ng si Zian 'to. Tch. Gabi na ah? Di pa ba siya inaantok at nanggugulo pa siya sakin? Ginulat pa ko.

"Oh? Problema mo?" medyo irita kong tanong kaya't narinig kong medyo natawa naman siya sa kabilang linya.

Ambabaw talaga ng kaligayahan ni pogi.

[Nothing. I just want to remind you about tommorow.]

Anong meron bukas? Wala naman siyang sinabi na pupunta siyang school bukas.

"Oh anong meron bukas? Wala namang meeting o whatever chorva bukas, di'ba?" tanong ko sabay humikab.

Inaantok na ko.

[Huh? Are you lost? Anong wala? Hindi mo ba naintindihan sinabi ko kanina? You.will.have.an.extremely.make.over.tommorow. Got it?]

What the hell?! Ayan na naman siya! Tsk! Di ko na nga lang pinansin kanina sa restaurant na sinabi niya yan eh.

Grabe naman kasi yung term, di'ba? Ang exaggerate masyado.

Extremely make over.

San ka pa? Ganun ba ko ka-panget para heavy-heavy na retouch ang gagawin sa akin? Tss.

"O.A mo kasi nakakaines ka! Panget ba ko? Kapalit-palit ba ko?! Then why 'EXAGGERATE' ng term mo?" medyo napatakip ako sa bibig ko matapos gumalaw si Ambrea sa tabi ko.

Ang lakas ata ng bibig ko. Tsk! Naman kasi 'tong si pogi eh nakakaloka.

[hahahahaha. It's just that an extreme make over would be badly needed to change your whole looks from Alley to Queency.] paliwanag niya na ikina-tango ko na lang.

"Okes. Pero anong oras? May pasok is me."

Baka mamaya imbis na kicked-out lang ako eh bumagsak pa ako dahil panay-panay pagliban ko sa mga subject ko.

Mga pakana kasi ni pogi eh. Kaloka. Hindi ba pwedeng trabaho lang sa gabi tas klase sa umaga?

[Don't mind your studies, Alley. Ang company na bahala don. Basta bukas. 9:30 a.m. Sharp. I'll fetch you. Bye.] sasagot pa sana ako pero pinatay na.

Bastos si pogi. Bahala siya sa buhay niya.

Hindi na ako nag-abalang mag-isip pa at natulog na lang.

Romance HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon