Chapter 3

1.6K 31 0
                                    

Allerice Aguiar's POV

"Goodbye, class. You should all take your recess!" pagkasabi noon ng teacher. Kanya-kanya ng labas sa klasrum ang mga kaklase ko.

Yung iba ay may naka-abang ng boyfriend nila sa tapat ng room namin. Hays, ganyan din si Darren dati eh. May naramdaman din kaya si Darren sakin? O talagang pagpapanggap nya lang ang lahat?

Nanatili ako sa room namin hanggang sa mawala na lahat ng kaklase ko ay ako na lang ang natira dito. Nakakahiya, lahat sila may partner habang ako? Nag-iisa dito sa room.

"Babe, come on. Tuloy naten sa CR."

Kumunot ang noo ko sa narinig ko.

What the fuck? Porno school ata to eh! Gusto ko ng umalis dito pero parang stock na ko dito. Mahirap makalipat ng school.

Lumabas ako ng room at mag-isang nagpagala-gala sa field. Malawak ang school na to, parang ordinaryong paaralan pero nagkalat sa paligid ang mga couple.

Urgh! May naghahalikan pa sa bench, may iba nagtatawanan habang yung iba magkayakap, yung iba naman naglalandian.

OP ako! Kahit naman nung nandito si Darren di naman kami ganyan, no! Magkaholding hands lang kami pero hindi seryoso para sa kanya.

Ako lang ata sumeryoso non eh.

"Why is she still here?"

"Yeah. Sya yung girl kahapon, diba? She was supposed to be kicked-out!"

Di ko pinansin ang mga bulungan nila. Maglandian pa kayo dyan! Hindi yung nangengealam kayo saken. Mga bitch.

Umupo ako sa isang bench sa ilalim ng puno. Ang lonely ko masyado nakakaiyak. Yung bench, ako, sila na magkakasama. Hays. Gusto ko ng maka-graduate!

Sa school na to di ka pwedeng magkaron ng kaibigan, pwede kung isang group kayo na mag-eenroll. Pero yung kayo lang ng couple mo mage-enroll? Di uubra yung makikipag-friends ka sa iba. Di pinapayagan sa school na ito yon. Ewan, weird nga kasing school to.

At dahil bored. Kinuha ko yung cp ko at tinignan yung text kagabi.

Pupuntahan ko mamaya yung lugar na to! Maga-audition ako for modeling.

Yung buhok naman daw yung irarampa eh. Buti nga maganda yung buhok ko. Hanggang bewang at natural.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ng may dumaang lalaki sa harapan ko.

Wait, bakit mag-isa sya?? Estudyante rin ba sya ng Romance High? Eh bat di sya naka-uniform? Magtatransfer din ba sya? Eh bat mag-isa sya?

Sunod-sunod na kuryusidad ang pumapasok sa utak ko kaya palihim ko syang sinundan.

Sa Principal's office?

Di na ako makapasok kaya tinapat ko na lang ang tenga ko sa pintuan ng Principal's office.

Kinakabahan din ako sa ginagawa ko pero ginagawa ko pa din. Urgh, nahawa na rin ata ako kay Darren ng pagkabaliw.

Nakaka-curious kasi, bihira may dumalaw sa paaralan na ito. Dahil bawal na bawal talaga ang outsider. Masyadong private pero public na public ang loob jusko!

"Mr. Darren reported about this, dad."

Lalong lumalim ang kuryosidad ko pagkarinig sa pangalan ni Darren.

Ano bang pinag-uusapan nila?

At Dad?! Ibig sabihin anak ni Principal Bisley yung lalaki?

Mukang ka-edad ko lang yung lalaki pero wala akong pake. Di'ko sya type. Mas gwapo pa rin si Darren.

Romance HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon