Chapter 2

1.8K 31 0
                                    

Allerice Aguiar's POV

Gabi na at tulog na lahat sila Mama pati na rin ang mga kapatid ko.

Pero gising na gising pa rin ako. Di ako makatulog sa problema ko eh! Ano na bang gagawin ko? Aish!

Tinext ko na rin yung organization daw sa Hair modeling.

Sana lang, sana talaga makuha ako! May bayad din yon, makakatulong rin yon sa pang-araw araw na gastusin.

Papikit na ako nung mag-vibrate yung cellphone sa ulohan ko.

From: Hair model org.

You're now welcome! Just please go to this address to check if you're valid for this job. And look for Ms. Tinia. Thank you.

*Insert address*

Gusto kong tumili sa saya, gusto kong magwala pero katabi ko sila Mama at mga kapatid ko. Baka magising ko pa.

Natulog agad ako at naghintay ng kinabukasan. Di na ako makapaghintay na matanggap.

--

Gumising ako ng maaga dahil pang-umaga ang klase ko. Madaling araw pa lang naghahanda na ako.

Konti lang ang tulog ko dahil sa text na yon, di na talaga ako makapag-hintay! Aish!

Naligo ako at pagkatapos magbihis, nag-ayos na ako ng muka ko. Kailangan ko kahit papano mag-make up dahil kailangan kong makahanap ng Boyfriend. Kahit di ko na mahal ayos lang! Papatusin ko na maka-graduate lang ako.

Pero iba yung kay Darren syempre. Minahal ko talaga yon, sadyang nag-sawa lang talaga sya. Nasan na kaya sya ngayon? Bat ko nga ba sya iniisip? Peste!

Pagkatapos mag-ayos, tulog pa ang mga kapatid ko pero si Mama ay naghahanda na rin para sa pagpasok sa trabaho nya. Naaawa ako kay Mama, kung may magandang trabaho lang ako, baka di ko na sya pagtrabahuhin eh.

Di bale, malapit nang mangyari yon.

"Ma, alis na po ako." paalam ko.

"Oh eto, anak. Pagpasensyahan mo na ah? Magbabayad pa kasi ako ng utang natin eh. Paabutin mo na lang hanggang Biyernes." at inabutan nya ako ng isang daan.

"Salamat po, mama. Bye na po." at lumabas na ako ng bahay namin.

Tuesday na ngayon, hanggang Biyernes lang ang due date ko at dapat may mahanap na akong boyfriend. Aish! Problema ko nga naman oh!

Naglakad na ako papasok sa Romance High, di sya normal na school.

Isa syang sinumpaang school. Kung saan dapat pag nag-enroll ka ay may couple ka. Oras na mag-enroll ka ay malabo na ang kapasidad na makakapag-transfer ka sa ibang paaralan, maliban na lang kung mayaman ka magagawan mo ito ng paraan. Pero iba kasi ang buhay ko sa iba.

Si Darren ang tumulong sakin na makapasok dito, ang sabi nya hanggang grumaduate daw kami ay di nya ako iiwanan. Psh, muka nya! Di daw mang-iiwan. Kaya pala.  Sya sya tong nagpresinta tapos sya din mang-iiwan.

Nakilala ko si Darren noong grade 6 kami, sa public lang sya nag-aaral non pero mayaman sya. Ang sabi nya ayaw daw nya sa private dahil puro maaarte daw yung mga tao. Pero habang tumatagal nagiging maarte din sya, naalala ko pa nga kung pano nya ako niyayang mag-enroll sa Romance High kahit na pang-mayaman lang ito.

Flashback...

"San ka maghi-high school, Alley?" tanong nya sakin.

Saan pa ba? Eh hindi naman nya kami katulad. Mayaman sila, mahirap lang kami. Edi natural sa public. Tss.

Romance HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon