Allerice Aguiar's POV
Bawat hakbang papalapit sa taong iyon ay nakakakaba, nakakatakot. Bakit biglang humirap para sa'kin itaboy siya?
Zian...
Mag-isa siyang naka-upo sa harapan ng mismong kotse niya at tahimik na iniinom ang bote sa kanang kamay niya. Nakakasiguro akong hindi ito alak, hindi umiinom si pogi... yun ang alam ko.
Huminto kami ni Darren sa mismong tapat niya at dahan-dahang iniangat niya ang paningin niya at tumama ito sa akin... kaharap ko ang pinaka-walang buhay na mata sa mundo.
Puno ito ng mga blangko... magulo.
Parang nung una ko siyang nakita, hanggang ngayon ganon pa rin yung sinasabi ng mata niya...
Hindi siya nagsalita, imbis ay pumikit siya. Anong nangyare? Inaantok ba siya?
"Let's clear things today." paumpisa ni Darren pero nanatiling nakapikit si Zian at tila natutulog lang.
Baliw na ba siya?
"Can't you see? I'm sleeping... Tss." nakapikit niyang sabi.
Napa-kunot ako ng noo dahil doon. Tulog sa labas ng kotse niya at habang nakaupo talaga? Sino inuuto niya? Bata?
"Wala akong oras makipag-lokohan sa'yo Xian." ramdam kong nagtitimpi na lang si Darren.
Urgh! Kasalanan ko talaga 'to! Nakakainis! Bat ang gulo gulo na. Sana pala mas pinili ko na lang na ma-kick out eh. Hays.
"No one else is." matabang na sabi ni Zian habang nakapikit pa rin.
Ramdam kong sumama ang loob niya sa akin. Hays, ang sama ko...
"Xian, sumama ka na... please." sumingit na ako dahil mas matagal mas magulo. Hays.
Bigla siyang dumilat at madilim na tumingin sa akin.
Napalunok ako sa mga tinging itinatarak ng mata niya sa akin. Ang bigat talaga ng mga tingin niya 'pag seryoso siya... eh palagi naman siyang seryoso. Mas mabigat lang ngayon.
"Tell him."
O________O
ha?
"H-ha?" nagtatakhang tanong ko.
Kinakabahan ako dahil hindi ko alam ang dapat kong sabihin o kung ano man yon.
Ngumisi siya na nagpakaba lalo sa akin.
"Tell him, Alley..."
Ano bang sasabihin ko? Hindi ko alam!
"About our deal" Shit! Yung trabaho ba? Wala namang masama 'don eh, atsaka wala namang katakot-takot sabihin don dahil maiintindihan ako ni Darren pero bakit ang hirap sabihen? O dahil sa kasunduan na kailangan kong tuparin? Na ganito yung nagiging resulta.
Tumingin ako kay Darren, nakikita kong nagtatakha ang mata niya kasabay ng pagkalungkot... wala akong tinatago sa kanya, wala talaga... pero bakit pinapalungkot ko siya?
"N-Nagttrabaho ako sa kanya, D-Darren... may usapan kaming b-bibigyan niya ko ng trabaho na... tinanggap ko..." nakayuko kong sabi kasabay ng palakas ng palakas na pagkabog sa dibdib ko...
Ano na? Bat tumahimik?
Dahan dahan kong iniangat ang ulo ko para masalubong ang tingin ni Darren na seryoso lang pero... ngumiti siya. Ngumiti siya at niyakap ako na siyang ikinagulat ko.
Ha?
"I know. Thanks for being honest, Alley. Wala naman akong problema sa pagttrabaho mo sa kompanya niya unless walang attachment sa isa't-isa..." sabi niya na siyang ikinatuwa ng nararamdaman ko.

BINABASA MO ANG
Romance High
RomanceIsang paaralan kung saan ang pagkakaroon ng 'lovelife' ay masyadong bigdeal. Hindi pwede ang nag-iisa, hindi pwede ang NBSB, hindi pwede kung wala kang partner. They believe that things are better when you have your 'partner'... duh? Pwedeng gawin...