Allerice Aguiar's POV
Sa lahat ng sinabi ni pogi isa lang ang alam ko...
"Zian saan na naman ba tayo pupunta? At bakit mo naman tinakot si Principal Bisley? Principal kaya yun! Mamaya isumbong ka non sa owner edi lalo pang lumala!" eh pano ba naman kasi kanina nung inenglish niya si Princ. Bisley parang biglang nag-iba ihip ng hangin. Basta!
Ang alam ko lang... makaka-graduate ako!
Huwaaaaah! Napaka-thankful ko nga kay Pogi eh. Kung wala siguro siya baka gumagapang na ako pauwi sa sobrang panlulumo.
"Tss. Tanda-tanda na ang kulit pa. Tch, papayag rin naman gusto pa ng tinatakot eh."
Napa-ngiti ako sa sinabi ni Zian. Nakatitig ako sa kanya habang busy siya sa pagmamaneho. Pupunta kami sa hindi ko alam, basta sumama lang ako kasi naman parang way ko na 'to ng pagththankyou. Sobrang laking tulong kaya nung ginawa ni Zian kanina. Halos parang inilagay niya na rin sa panganib yung pangalan niya eh.
"Quit starring, it annoys." sabi niya habang nasa harapan ang paningin.
Ang gwapo talaga ni pogi. Pero hindi kagaya dati medyo naiilang pa ako sa kanya, habang tumatagal parang tropa-tropa na lang ang dating niya sa'kin.
"Pogi 'bat ang perfect mo?"
Hindi ko alam kung saan ko nahugot 'yang tanong ko pero nagawa nitong pangitiin si Zian.
Hala ka! Yung smile niya nakita ko na naman! Ghad! Hindi talaga nag-failed 'yon na ma-distract ako. Sobrang ganda kasi eh.
"I'm not. No one's perfect, Alley. I'm just remarkable."
Sus! Pa-humble pa eh.
"We? May perfect kaya, no! Hindi lang naa-appreciate ng iba dahil lahat ng tao may kanya-kanyang insecurity!" depensa ko.
"If Perfectionist do exist... then why the hell am'I even here? If you think I'am perfect, then should I start drawing a gap between us?"
Ano daw? Di ko na-gets ang sinabi niya hindi dahil sa hindi ko naintindihan kundi ang gulo.
"Huh? Anong ibig mong sabihin?" naka-kunot ang noo na tanong ko.
"Alley... in every step we take, there's always a room for someone who's beyond amongst a normal individual. Kung sa tingin mo'y perpekto akong tao... then I guess I shouldn't be with you." parang may parte sa akin ang biglang lumungkot.
Tama naman siya. Magka-iba kami ng estado. Kung tutuusin nga hindi dapat kami nagkakasama dahil aksidente lang naman na makilala niya ako at ganun rin sa akin.
Siguro tama si Zian. Sa ibang punto naiintindihan ko ito. Pero may kulang pa rin eh. Hindi ko na lang pinoblema at nanahimik ako.
Halos buong byahe ay wala nang kumibo sa amin. Tanging ang kanta lang sa radyo ang nagbibigay ng gana sa loob ng kotse.
Hays... sobrang nakaka-stress ng mga nangyayari.
Ano kayang susunod?
~It's a damn cold night
I tried to figure out this life
Won't you take me by the hand take me somewhere new
I don't know who you are but I'm
... I'm with you~
Nakinig ako sa kanta habang nakasandal sa bintana. Piling ko para sa'kin yung kanta. Hindi ko naman kilala si pogi masyado pero sama ako ng sama sa kanya.
BINABASA MO ANG
Romance High
RomansaIsang paaralan kung saan ang pagkakaroon ng 'lovelife' ay masyadong bigdeal. Hindi pwede ang nag-iisa, hindi pwede ang NBSB, hindi pwede kung wala kang partner. They believe that things are better when you have your 'partner'... duh? Pwedeng gawin...