Chapter 19

691 20 1
                                        

Allerice Aguiar's POV

"Urgh!"

Bakit nahihilo ako?

"Hey. You okay?" napadilat ang mga mata ko matapos marinig iyon.

Ang una kong nakita ay si Zian na nagddrive at ang labas ng bintana ay masyadong maliwanag. Tanghaling tapat pa lang pala pero bakit parang feeling ko gabi na. Tsh.

Nanlalata akong naupo at napahipo ang kamay ko sa noo ko matapos makaramdam ng hilo. Urgh, bakit ba ako nahihilo? Sanay naman ako sa biyahe ah?

"Hey, Alley? Ayos ka lang ba?" dumapo ang paningin ko kay Zian na nakatingin sa daanan.

Halos mapa-mura ako nang biglaang sumakit ang puson ko. Urgh, bakit sumasabay pa ngayon? Tsk! Badtrip.

Namilipit ako sa sakit at halos pigain na ang puson ko.

"Aw..." daing ko sa mahinang paraan dahil nakakahiya naman kay Zian kung magiinarte ako dito, di'ba?

Tiniis ko ang pananakit ng puson ko hanggang sa huminto ang sasakyan.

Saan 'to? Hindi naman ito yung company nila Zian, ah?

"A-anong ginagawa na'tin dito? Nagugutom ka ba, Zian?" takhang tanong ko dahil huminto kami sa tapat ng isang Fastfood restaurant.

Imbis na sagutin ay may kinuha siyang wallet sa lalagyanan o kung ano man ang tawag doon dito sa loob ng kotse.

"Here. Pumasok ka sa comfort room and bring this with you." sabi niya sabay abot ng wallet niya.

Baliw ba siya?! Nagtitiwala siya saken? Hindi ba niya naiisip na baka itakbo ko yung wallet niya? Eh napaka-kapal pa naman ng laman 'non. Sabagay, hindi ko rin naman intensyon na gawin 'yon.

Takha ko lang itong tinignan.

"Para saan nga? Hindi naman ako nac-CR eh."

Mas marunong pa siya sa'kin. Siya ba nakakaramdam kung naiihi o natatae ako?

"Change your uhh–whatever. Just change that." parang naiilang na sabi niya sabay nag-iwas ng tingin.

Totoo bang nahihiya si pogi? Hahaha, ang cute niya.

Pero ano nga ba 'yon? Change daw? Ah, oo nga. Ang talino ni pogi nakaka-amaze dahil alam niya agad kung anong kailangan ko. Sa sarili ko nga hindi ko na naisip yun eh, dahil masyado akong nadala ng pananakit ng puson.

"Zian?"

May isa pa akong nakalimutan. Hays, kumakapal na ata ang muka ko.

"What?"

"Y-yung coat mo... b-baka may ano na rin eh... uhh–basta! Baka may ano na rin pano yan?" nahihiya at nakatungong tanong ko.

Jusko! Ano bang nangyayari sa buhay ko? Nagiging loka-loka na ata ako.

"Don't mind it. I'll throw them anyway." simpleng sagot niya.

Psh. Yabang. Palibhasa mayaman eh. Itatapon na lang pagkatapos isuot, hanep.

Imbis na magtagal pa ay inayos ko na yung coat sa bewang ko at nag-umpisa ng lumabas ng kotse.

Biglang uminit yung paligid. Pakiramdam ko tuloy matutumba ako anytime.

Binilisan ko na lang ang paglalakad papasok sa loob ng Fastfood restaurant at agad na nagtungo sa comfort room nila.

Buti naman at nakiki-ayon yung pagkakataon dahil mag-isa lang ako dito.

Romance HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon