Allerice Aguiar's POV
Nandirito kami ngayon ni Darren sa loob ng isang opisina dahil may kakausapin daw siyang importanteng tao.
Medyo naiinip na nga ako dahil kanina pa kami nandito wala pa rin ang kung sino man na iyon.
Tss. Napaka-VIP naman 'non.
"It's not so very nice to have you here at this not so appreciable situation, Mr. Fortejo." napalingon kaming sabay ni Darren matapos may magsalita.
May lalaking pumasok at naglakad papunta sa tapat ng lamesa na inuupuan namin ni Darren kanina pa dahil sa paghihintay. So siya na pala yung pa-VIP?
Muka na siyang nasa mid-40's base sa itsura at postura niya. Muka rin siyang kagalang-galang na tao dahil sa kasuotan niya. Para lang siyang ka-edad ni Mama.
At kahit may edad na ay batid pa rin ang kagwapuhan niya noong kabataan niya.
May nagsasabi sa aking isa siyang napaka-bait na tao.
Tumingin siya sa akin at medyo natauhan pa ako dahil sa panunuri sa kanya ng ngumiti siya sa akin.
Ng walang ano-ano ay kinabahan ako.
Bakit napaka-makakabahen ko na? Normal pa ba 'to?
"It's an honor to finally see you, young lady." nakangiting bati niya sa akin.
Natulala lang ako dahil hindi ko mawari ang isasagot ko na nagresulta sa biglaan niyang pag-tawa.
Weird amp.
"Of course you don't know me. By the way, I'm Zandrex Le Vegaz. It's really pleasing me to meet you." at inilahad niya ang kamay niya na medyo nangangatog ko namang tinugon.
Ano bang sadya namin dito?
"Mr. Fortejo, how's the status? Hmm?" biglang baling 'nya kay Darren.
Tahimik lang si Darren at mukang malalim ang iniisip.
Hindi kaagad siya nakasagot kay Sir. Le Vegaz.
Mukang naiintindihan ni Sir. Le Vegaz ang inaasta ni Darren.
Matagal na kaya silang magkakilala?
"I have nothing now." at iniangat ni Darren ang ulo 'nya at sinalubong ang tingin ni Sir. Le Vegaz.
Napa-tango lang si Sir. Le Vegaz at mukang na-kumbinsi sa sinabi ni Darren.
"Hmm. Just the way I supposed would happen. But then, does she know already the reason? Have you tore her blindfold?" tanong 'nya kay Darren.
Umiling si Darren at bumuntong-hininga.
"No. I won't. I'll keep it from her, until everything was on it's normal state." paliwanag ni Darren.
"Clever. So, how are you planning to solve this enormous puzzle? Seems it has lots of connection."
Nakikinig lang ako sa usapan. So, may alam si Sir. Le Vegaz sa problema ni Darren? Buti pa siya may alam. Pero hindi ito ang panahon para mainggit ako. Sa ngayon, tutulong lang ako.
"That's what I'm facing right now. I-I don't have any idea yet, sir." nakatungong sagot ni Darren na nagpa-alala sa akin.
Stress na siya masyado. Sana lang kahit papaano nababawasan ko ito o kung may paraan man gagawin ko na.
"Excuse me, Sir. Pero may maitutulong po ba ako dito? P-pagod na pagod na po si Darren... g-gusto kong makatulong... please." singit ko.
Nakatingin lang si Sir. Le Vegaz sa akin sabay ngumiti ng tipid.

BINABASA MO ANG
Romance High
RomanceIsang paaralan kung saan ang pagkakaroon ng 'lovelife' ay masyadong bigdeal. Hindi pwede ang nag-iisa, hindi pwede ang NBSB, hindi pwede kung wala kang partner. They believe that things are better when you have your 'partner'... duh? Pwedeng gawin...