Chapter 12

909 25 4
                                        

Allerice Aguiar's POV

Pumasok kami ni pogi sa loob ng isang sosyaling Salon. Ang bongga at ang taray ng mga tao sa loob.

Nahiya naman ako at napadikit sa gilid ni pogi.

"Any problem?" mahinang tanong niya matapos kong mapadikit sa kanya.

Kung kanina excited ako, ngayon sobrang kabado na ako. Hindi ko kasi alam ang gagawim nila sa akin. Malay mo mamaya reretoke na pala ako edi magba-back out talaga ako ng bongga. Tch!

"A-Ano bang gagawin sa'kin?" mahina at halos pabulong ko na ring' tanong.

Napansin kong kumunot ang noo ni pogi sa tanong ko.

"What?"

Magsasalita pa sana ako kaso may biglaang babae na naglakad papalapit sa amin.

Oh my god kinakabahan na naman ako.

"Good morning Ma'am and Mr. Zian. How can I help you?" nakangiting bungad niya kaya't inismile-an ko rin siya.

Base sa itsura niya muka siyang owner nito pero bakit naman siya ang magma-manage sa'min?

"Make her gorgeous." tipid na sagot ni pogi.

Para naman akong sinampal ng katotohanang 'Panget ako, wag tularan'.

Make her gorgeous... sana dinugtungan niya na din ng... cause she's so panget.

Quotah na 'to si pogi ah. Malapit na akong mabwiset.

Muka namang natawa din yung babae sa kagaguhan ni Zian kaya't mas pinili kong manahimik tutal wala naman akong alam sa mga gagawin sa'kin.

"Nah. She's already beautiful. All we have to do is to enhance her features and make her shine."

Wala na... may nanalo na! Ginalingan ni Ateng ang pagkana sa sinabi niya eh.

Best in Sagot?

"Just do what I said." at umalis na si pogi palabas ng Salon na 'to.

Oh noes! San pupunta 'yon? Iiwanan ba niya ko dito?

Hahabol sana ako kaso hinawakan na ako sa braso nung babae kaya napatingin ako sa kanya.

"Tara na? Mukang marami pa kayong pupuntahan ni Mr. Zian eh." naka-ngiting sabi niya.

Napangiti na lang din ako ng hilaw sa kanya.

Tae naman si Zian oh! Bahala siya sa buhay niya. Basta wag siyang mainlove-inlove sa'kin kapag Dyosa na ako ah!

Pumasok kami sa loob ng isang room sa loob lang din ng Salon.

Dito walang ibang customer bukod sa akin. Puro mga staff lang na nakahilera at kaming dalawa ni Ateng Maganda.

Nahihiya naman ako kaya't medyo nakayuko ako kasi lahat sila nakatingin sa akin.

Gosh! Piling ko tuloy hahakot ako ng award na 'Best in Attention'.

"Alright boys and girls. As so as what Mr. Zian announced. We have to make her gorgeous... keri?"

Isa-isang nag-ngitian ang lahat at...

"KERI!" nakakagulat na sabay-sabay na sigaw nila.

Oh my god! Start na ba? Jusko kinakabahan naman akong talaga.

May isang umakay sa'kin pa-upo sa recliner chair na nakaharap sa isang malaki at malinaw na salamin. Mula dito tanaw na tanaw ko ang puputok ng tigyawat sa noo ko.

Romance HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon