Chapter 35

98 1 1
                                    

BABAWI AKO SA INYO DAHIL ILANG BUWAN AKONG NAWALA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


BABAWI AKO SA INYO DAHIL ILANG BUWAN AKONG NAWALA. I'M REALLY REALLY SORRY. ALAM KO AT NAIINTINDIHAN KONG MARAMI KAYONG NAWALA SAKIN... I'M SORRY.

HERE'S A PIC OF MR. ZIAN TO FULFILL YOUR IMAGINATIONS... ILOVEYOUALL.

PS.

THAT'S MR. ZIAN APOLOGIZING AND LOOKING ADORABLE DIRECTLY AT YOU. WOULD YOU FORGIVE US? :'<

__

Allerice Aguair's POV

Nasa bahay na ako at kakauwi lang. Nakakapagod pa sa biyahe eh.

Pero di mawala-wala sa utak ko yung sinabi ni pogi. Urgh! Anggulo sa utak!

Wala akong nadatnan sa bahay bukod sa bukas na pinto.

Shit! Nasaan ang mga kapatid ko?!

Nabalisa ako at hindi ko alam kung saan maguumpisa. Tumakbo ako sa kapitbahay, sa labasan pero hindi ko mahanap ang mga kapatid ko.

Panay tanong na rin ako kung kani-kaninong kapitbahay namin pero iisa lang sagot nila.

"Ha? May kasamang lalaki na matangkad! Yung naka-black, akala ko nga kamag-anak niyo eh."

Nanghina at nangatog ako sa narinig ko.

Hindi! Hindi maaari 'to!

Naiiyak ako at hindi ko alam ang gagawin ko kung hindi lang may tumawag sa akin sa kalagitnaan ng pagbagsak ko.

[Hello? Hey.]

Napahagulgol ako ng marinig ko boses niya, para akong nakakita ng pag-asa dahil alam kong tutulungan niya ako.

Ano ba naman 'to. Magpapahinga na nga lang ako ganito pa. Bakit sobrang malas ko?

"P-pogi... y-yung mga kapatid ko... nawawala."

Patuloy sa paglabas ang mga hikbi ko. Kasalanan ko 'to wala ng iba. Kung bakit ang walang kwentang ate ko at iniiwan ko sila. Sinisisi ko sarili ko sa lahat. Ang walang kwenta ko.

[Damn, stay there. I'm on my way.] rinig kong nagmamadali siya at narinig ko ang makina ng sasakyan niya.

"Sorry..."

Pati siya naaabala ko pa. Alam ko pagod na rin siya dahil kung ako oo, mas lalo siya. Ikaw kaya ang mag-manage ng maraming kompanya. Hays.

[They're not foreign to me. I would be glad to help.]

Napangiti ako kahit punong-puno ng luha yung pisngi at mata ko.

Ano kaya gagawin ko kung hindi ka tumawag, Zian?

"Thankyou talaga, pogi... ingat ka huh."

[Yeah, wait for me. Bye.] at pinatay niya na yung tawag.

Romance HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon