Chapter 20

716 17 5
                                        

Allerice Aguiar's POV

Dumiretso ako sa upuang naka-reserba para sa akin. Nasa tabi ito ni Zian sa pinaka-unahan ng mahabang lamesa.

Para saan naman kaya ang meeting? Di'ba umagree naman ang lahat nung unang beses akong naka-punta sa kompanya nila Zian? Ang kaso sa ibang building 'yon.

Tahimik lang akong nagmamatyag at paminsan-minsang sumusulyap sa lalaking hindi ko ine-expect na nandito.

Psh. Sinusundan ata talaga ako ng trabaho na ito.

Si Papa.

Siya ba ang representative ng kompanya nila ng bago niyang asawa?

"Everyone, since half of this new project's investors already approved. I'm giving this special meeting to the representative of Viewty corporation, Mr. Lemco Vaj. As the owner of this new project named Fancy club, I'am expecting for your approval as one of the bases for this project's influence in Business world. We all know that Lemco Vaj's an influencial company. Having you as part of this project would help launching this with more power." paliwanag ni Zian sa harapan.

Lemco Vaj. Hanep sa Business name ah. Tss.

Napansin kong seryosong-seryoso siyang tinitignan ni Papa at parang binabasa ang laman ng utak ni pogi.

Psh. Iba na dating ni Papa ngayon. Ibang-iba na siya. Sabagay, ikaw ba naman maimpluwensyahan ng isang Business woman eh.

Nakatingin lang din ako kay Zian habang patuloy siya sa pagsasalita at page-explain ng tungkol sa bagong project na 'to. Para saan kaya at nagtayo ulit siya ng bagong kompanya para sa project na 'to? Eh kung tutuusin mayaman naman na siya. Tss. Hindi ko talaga maintindihan ang mga mayayaman kung bakit panay ang gastos para sa panibagong Business eh kung tutuusin ayos naman na ang iisang Business.

Mga hindi sanay makuntento eh, kaya sa huli iiyak-iyak kapag na-bankrupt.

"Mr. Lemco Vaj. You know how I manage and run a company and we are all aware how I detailed every presentation. This short video would be enough for you to absorb what I'am pertaining to achieve." maya-maya lang ay may video na nag-flash sa malaking screen sa harapan.

Seryoso ang lahat na nanonood maging ako nang biglaang magsalita si Papa.

"How will you prove to me that you're good enough to handle a new project when you already failed one?" napa-nganga ako sa tanong na binitawan ni Papa.

Failed one? Bakit? Dati na ba silang magkakilala at magpartner sa Business ni Zian? Bakit ang gulo? Tch.

Mukang nainsulto si Zian sa tinanong sa kanya kaya pansin kong kumuyom ang kamao niya sa gilid niya.

"In order to be succesful, you HAVE to make mistakes... if not then you don't even have to consider yourself as a Business man." sagot ni pogi na nagpa-ngisi sa akin.

Naks... best in sagot. May pinaglalaban 'to.

Kumunot lang ang noo ni Papa at sumenyas na ituloy ang presentation kaya't ganun ang nangyari.

Puro pictures ang nagf-flash at ang graph ng mga amount ng pera kada-month na sa tingin ko ay ang pondo na inilalabas ng kompanya para sa bagong project na 'to.

Grabe, sobrang buwis pera pala talaga kapag pumasok ka sa isang Business.

Puro malalaking halaga ang nakikita ko eh. Pinaka-mababa ata ang 1,000,000. Tsh.

Natapos ang video at nagpalakpakan ang ibang mga nandito bukod kay Papa.

Sumama tuloy ang muka ko dahil ano bang panget at magulo sa presentation? Wala naman eh, o sadyang KJ lang talaga siya. Tss

Romance HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon